Saturday , May 17 2025

Malaysian nat’l tiklo sa buy-bust sa Marikina

ARESTADO sa buy-bust operation ang isang 21-anyos Malaysian national at kanyang kasama sa operasyon ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAIDSOTG) sa Marikina City kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang nadakip na si Thevan Elamlathir, 21, estudyante tubong 3060 Blk-G, Pangsapuri Seri Matahari, Kuala Lumpur Malaysia, at ang kanyang kasama na si Alvin Nacario y Amador, 30, naka-tira sa 342 Apitong St., Marikina Heights sa lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, dakong 7 a.m. nang maaresto ang mga suspek sa anti-drug operation ng pulisya sa St. Marcellin Champagnat St., Marikina. Nakompiska-han ang dalawa ng apat na sachet ng shabu.

Nauna rito, dalawang linggong isinagawa ng mga awtoridad ang surveillance hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspek sa lugar.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2001.

About Ed Moreno

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *