DALAWANG mga taga-Albay ang parehong nasa big four ng PBB na magkakaroon ng Big Night sa Albay Astrodome come November 7. Sina housemates Tommy (regular edition) at Franco (teen edition) ang dalawa sa tinitingnan ngayon ng buong Bicolandia lalo ng mga kapwa taga-Albay bilang mga big winner ni Kuya.
Dugong Polanguinyo si Tommy (mula sa angkan ng mga Sarte at Esguerra), habang sa Tabaco naman lumaki at nag-aral si Franco Rodriguez.
Siyempre proud din kaming kapwa-Uragon niya mare lalo pa’t kahit nasa London ang aming mahal na Gov. Joey Salceda (apo niya si Tommy say mo? hahaha!) ay malakas ang panawagan nito at pagbibigay ng suporta para i-text at bigyan ng “massive votes” ang dalawang Albayanos.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus