Monday , December 23 2024

Incentive instead of punishment (Sa mga nagpatakas ‘este’ natakasan ng puganteng Koreano!)

cho seongdae misonAfter raw ng bulilyaso galore dahil sa the first great escape ni Cho Seong Dae, featuring mga tuta ‘este’ bata ni BI Comm. Fred “greencard” Mison diyan sa Immigration Warden’s Facility sa Bicutan, agad-agad daw ini-relieved ang warden pati lahat ng mga assigned personnel doon.

Siyempre, priority sa listahan ang mga trusted kulisap ni pabebe-commissioner but hold your breath guys…

Lahat daw ay ini-assign sa tatlong airports ng NAIA?!

Pakengshet!!! NAIA??

Akala ko ba pag may nagkasala o bulilyaso ‘e deretso tapon agad sa Border Crossing stations gaya ng mga pinag-initan niyang Immigration Officers at Intel agents?

Bakit imbes administrative sanction ay tila incentive pa ang biyayang ipinagkaloob ni Pareng Sigfraud ‘este’ Sigfred Mison sa kanila!?

Tama ba Bisor Rico Pedrealba?

You’re one of a kind talaga, Pareng Fred Mison.

Kaya naman pala haling na haling sa iyo si Lady Valerie C.

Isipin mo, imbes sibakin dahil sa kanilang gross negligence at infidelity in the custody of a prisoner ‘e talagang pinaboran mo pa sila at itinaas ang mga suweldo (overtime pay)?!

What the fact!?

Kaya lang it seems,  na sablay ka na naman, Pareng Fred Mison? Kung kaya ng mga taong iyan na pakawalan ‘este’ matakasan ang isang tao sa detention, what more pa na mas maraming pwedeng pakawalan o palusutin sa NAIA!?

Aba’y piyestang-piyesta ang mga sanababits na ‘yan.

Again, may I ask you Mr. Commissioner Miswa ‘este’ Mison, is this also a part of your slogan “good guys in, bad guys out?”

Pwe!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *