Thursday , December 26 2024

DOTC-OTS ano’ng ginagawa laban sa tanim-bala?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG gusto natin maniwala na mayroong ‘sabotaheng’ nagaganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad.

Sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng binansagan na ngayong ‘tanim-bala’ scam sa NAIA ay nakapagtataka ang pananahimik ng Department of  Transportation and Communications (DoTC) lalo ng mga itinalaga nilang tao mula sa Office of Transportation Security (OTS).

Hindi natin maintindihan kung ano pa ang papel ng DoTC-OTS sa NAIA terminals kung sunod-sunod ang ganitong mga insidente.

Ang mga taga-DoTC-OTS kasi ang itinalagang  ‘frisker’ o tagakapkap sa mga pasahero.

Ito po ‘yung matagal na nating isinusulat na masyadong unsafe at unsanitary ang ginagawang frisking ng mga taga-DoTC-OTS noon. 

Kapag nagpi-frisk sila, wala silang ginagamit na gloves. Ang daming random acitivities ng kamay ng isang tao sa loob ng isang araw, pwedeng nangulangot, suminga, umihi, nagkamot ng puwet, nagkamot ng ulong may balakubak (fungal ‘yan, nakahahawa) at iba pa, tapos biglang idadantay sa damit ng pasahero para kapkapan.

‘Yan ‘yung unsanitary.

‘Yung unsafe, nakikini-kinita na natin doon sa sinasabi ng iba na sindikato umano ng ‘tanim-bala.’  

Ano ba talaga ang papel ng DoTC-OTS sa NAIA?!

Kung hindi tayo nagkakamali mayroon nang bagong full-body scanners na nagkakahalaga ng P150-million at inilagay sa departure area ng apat na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Ang siste, hindi pa ito nagagamit nang husto dahil hindi pa nasasanay ‘yung taong dapat mangasiwa rito. Tinutukoy rito ‘yung mga taga-DoTC-OTS.

Ang dapat umanong magbigay ng training & seminar, ang Defense and Protection System Philippines (DPSP) para sa mga piling NAIA employees at staffers ng DoTC Office of Transportation pero hindi ito nangyari.

Wala raw kasing sumipot na taga-DoTC-OTS sa nasabing seminar kaya ang ginawa na lang ng NAIA (MIAA) ay nag-request ng bagong seminar para sa kanilang mga tao.

Labis tayong nagtataka kung bakit kahit isang taga-DoTC-OTS ay hindi nagpakita ng interes para sumailalim sa nasabing training.

Parang gusto nating maniwala na ang DoTC-OTS umano ang unang umaayaw para maikabit ang nasabing x-ray.      

Kasi kapag nagkaroon umano ng whole body X-ray scanner, todas ang raket nila!

Ganoon ba ‘yun, DoTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo ‘pabaya’ este Andaya?

Subukan mo lang din pag-isipan, Sec. ‘Traffic  is not fatal’ Abaya?!

‘Wag ka munang masyadong mag-concentrate sa pagpapapogi for you future political dreams?!

Hindi pa nga tayo nakaaahon sa isyu ng ‘worst airport’ ‘e sumulpot naman ‘yang modus operandi ng sindikatong tanim-bala.

Ano ba talaga, Sec. ‘pabaya’ ‘este Abaya?!

Pababayaan mo lang ba na pinagpipiyestahan ang bansa natin dahil sa isyung ‘yan ng tanim-bala?!

Aba, huwag mong sabihin na ‘tanim-bala’ is not fatal…

Baka mamaya ay mayroong desperadong biktima ng sindikatong tanim-bala ang biglang maisipang magtanim ng ‘bala’ sa mga tatamad-tamad na opisyal ng DoTC, ‘e ma-target ka?!

Huwag ka namang pabaya-baya, Secretary Abaya!

Ay sus!

Sleeping with the enemy na naman ba si Sen. Chiz

Mukhang nagsisimula na ang pag-ikot ng mga tsismis tungkol sa pakikipag-tandem ni Senadora Grace Poe kay Sen. Chiz Escu-dero.

Putok na putok kasi na hindi pa man pumapasok sa opisyal na kampanya ay parang banderang kapos na si Sen. Grace.

Ilan din ang nagbulong sa atin, na kanya-kanyang donasyon na pala sina Chiz at Grace — hindi as one bilang partido.

Parang hindi pa tuluyang nagsasama ‘e hiwalay na agad ang puti sa de-kolor?!

Gusto tuloy natin maniwala kay Ms. Sheryl Cruz, na talagang hindi pa handa si Sen. Grace.

Mukhang ‘nauto’ lang daw talaga ni Chiz, para magkaroon siya ng partner sa pagtakbo.

Aba ‘e hindi pa nalilimutan ng sambayanan ‘yung sinambit ni Chiz nakaraang 2010 national elections… “Ang VP ko ay mayroong letrang B” sabay putok na ng NOY-BI.

Mukhang mauulit ang kasaysayan ni Mar sa tandem ni Chiz at Poe?!

Hindi ba’t kamakailan lang ay napiktyuran si Chiz na ka-lunch date si VP Binay sa imbitasyon ni Tony Floreindo??

Ano sa palagay ninyo, mga suki?!

Ang inyong lingkod ay hindi na naman kasi mapalagay…

Laos na ‘insurance’ gimmick ni Maite Atienza

NATUWA na sana ‘yung mga taga-District 3 ng Maynila. 

Namahagi raw kasi si candidate Maite Atienza ng insurance.

Pero nang busisiin, insurance na pangpatay pala ang ipinamahagi ni Maite.

Ngek!!!

Mantakin ninyo, akala nang marami ay ‘yung accident o health insurance na magagamit nila for emergency ang ipinamigay, pero hindi pala.

Kapag namatay pa, saka lang makakukuha ng pera sa halagang P10,000.

Sonabagan!

Luma na ‘yan style na ‘yan!

Marami nang politiko ang gumawa niyan pero ‘OLAT’ pa rin, ay sus!

Esep-esep naman ng ibang style Ms. Maite!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *