NAKAGUGULAT naman ang isang video na aming napanood kamakailan na (Thursday night to be exact) sumasayaw si Jessy Mendiola sa saliw na Maria Mercedez habang nakasuot lamang ng puting T-shirt at maong short.
Bigay na bigay sa pagsasayaw si Jessy kaya may nagtanong sa amin kung bakit ganoon ang inasal nito? Sanhi raw ba iyon ng break-up nila niJM de Guzman?
Tila lasing si Jessy nang pumanhik ito ng stage at nagsayaw.
Well, baka hindi lang napigilan ni Jessy ang hindi masayaw dahil theme song ng dati niyang serye ang tinugtog, ang Maria Mercedez.
Pero tiyak na nag-enjoy ang lahat ng nakapanood sa sayaw ni Jessy at hindi naman bastusin ang hitsura ng dalaga habang bigay-todo itong sumasayaw.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
