Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tautuaa, Rosario palpak ang unang laro sa TnT

091015 troy rosario moala tautuaa
NAGING very disappointing ang panimulang laro nina Moala Tautuaa at Troy Rosario para sa Talk N Text noong Biyernes nang hindi sila nakapamayagpag sa kanilang  sagupaan ng Alaska Milk.

Aba’y tinambakan ng Aces ang Tropang Texters, 114-98.  Si Rosario ay nakagawa ng apat na puntos samantalang si Tautuaa ay gumawa lang ng dalawang puntos sa pamamagitan ng isang slam dunk.

Napakalaking letdown iyon. Kasi nga’y malaki ang inaasahan sa kanila ng TNT. Sila ang top two picks ng nakaraang PBA Amateur Draft.

Si Tautua ay nakuha ng TNT buhat sa Blackwater sa pamamagitan ng isang trade na nakumpleto noon pang isang taon.  Sinasabing second coming siya ni Paul Asia Taulava na isa ring Fil-Tongan na gaya niya.

Pero siyempre. Bago pumanhik ng PBA ay wala pa rin namang kampeonatong napapanalunan si Tautuaa dahil nabigo siya sa ABL at sa PBA D-League kung saan nakapaglaro siya para  sa Cagayan Valley Rising Suns at Cebuana Lhuillier.

Si Rosario ay may karanasan bilang kampeon. Natulungan niya ang National University na masugkit ang kampeonato sa UAAP noong nakaraang season. Tinulungan din niyang magkampeon ang Hapee Toothpaste sa PBA -League. At miyembro siya ng RP Team na nagkampeon sa nakaraang Singapore Southeast Asian Games.

Well, hindi naman natin sasabihing palpak sina Tautuaa at Rosario. First game lang naman nila iyon e. Marami pang games silang lalaruin sa PBA at tiyak na magi-improve sila.

Kapag naipagpag na nila ang rookie jitters, siguradong malaki ang maitutulong nila sa kanilang koponan at pakikinabangan sila nang husto ng TNT.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …