Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, tinaningan na

042414 Showtime
DAHIL sa pagiging honest at pagtanggap nila ng pagkatalo, gusto naming hangaan si Vice Ganda and the It’s Showtime host.

Tama naman ang kanyang tinuran na hindi nila basta matitibag ang Eat Bulagalalo ngayong defined na defined ang pagka-phenomenal ng AlDub.

Pero sa kabilang dako, sana ay narinig din namin ang ibang hosts ng show kung paanong ang mga host ng Eat Bulaga ay marunong mag-give way sa mga co-hosts nilang nagsa-shine o nagmo-moment sa tamang panahon.

‘Yun marahil Mareng Maricris ang isang malaking kaibahan ng EB sa It’s Showtime dahil kahit itanong pa natin kina Tito, Vic and Joey, never nilang minanipula o sinolo ang buong show. Ano pa at tinawag kang “hosts” ng show kung iisa lang naman ang laging nagsasalita at nagbibigay ng opinyon para sa grupo?

Kumbaga sa sugal ateng, mahirap kalabanin ang “suwerte”.

Kahit ano pa ngang pagta-tumbling, pagkain ng apoy, pagtulay sa alambre o pag-belly dancing ang gawin nina Vice and company, may bitbit na suwerte ang AlDub ng Eat Bulaga na kahit nga anino pa lang ay nagti-trending na.

No wonder, muli itong nakapagtala ng world record sa Twitter at kinabog pa nito ang dating number one sa buong mundo.

At kung totoo ang nabalitaan naming tsismis na tinaningan na umano  ng hanggang December ang It’s Showtime, aba’y sinusuwerte nga ng bongga ang EB?

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …