Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, suko na kay Julia

062915 julia dennis
NAIYAK si Dennis Padilla nang personal niyang iurong ang petisyon na ibalik ang apelyidong Baldivia sa pangalan ni Julia Barretto. Ito ang naikuwento ng aktor sa presscon ng pelikulang Maria Labo ng Viva Films.

Ani Dennis, absent ang kanyang abogado noong araw na ‘yun kaya siya na mismo ang nag-withdraw. Sa manifestation niya ay sinabi niyang binibigyan na niya ng kalayaan si Julia na gamitin ang kung anong family name ang gusto ng kanyang anak.

Iniurong ni Dennis noong September 18 ang reklamong Motion To Intervene sa petisyon ni Julia. Naging ayos naman daw ang pagwi-withdraw niya pero naiyak daw siya habang nasa kotse na.

“Kasi, before noong debut, ‘di ba, sabi ni Julia, iwi-withdraw niya ‘yung petition niya na tanggalin ang family name ko, and that was March. After six months, wala namang withrawal na nangyari, so ako na lang nag-withdraw.

“Kasi, number one, kahit manalo ako, kunwari manalo ako na dapat pa rin niyang gamitin ang family name ko, eh 18 na siya, eh. She can still remove it. Kasi karapatan na ng 18-year-old – dahil adult na siya, na magpalit ng family name,”paliwanag ni Dennis.

Sinabi pa ni Dennis na, ”Kaya lang naman ako nag-oppose noon kasi minor siya, eh. Noong i-file ko ‘yun, 16 pa lang siya. So, ang ongoing case ko ngayon, isa na lang, ‘yung kay Claudia (pangalawang anak nila ni Marjorie Barretto) kasi 16 pa lang siya.

“So may balita ako na idinismis na ng judge ‘yung kaso ni Claudia, so ang hahabulin ko na lang, makakuha ako ng kopya ng dismissal para maipakita sa eskuwelahan ni Claudia sa Everest International School na ibalik ang Baldivia sa apelyido niya.

“Kasi right now, they changed their family name to Barretto. Kaya noong graduation ni Claudia sa Everest, which was I was not invited pero I was able to know na mayroong graduation, so naka-attend ako by surprise. Kasi ‘yung isa sa magulang niyong kaklase, kakilala ko. So nagmagandang loob na sabihin sa akin na ‘Dennis puntahan mo’,” kuwento pa ni Dennis.

Doon nga raw niya nalaman na Barretto na ang ginagamit na surname ni Claudia at aminado siyang sumama ang loob niya kaya hindi niya tinapos ang graduation dahil lalo lang sasama ang loob niya kapag marinig niyang tatawagin na ang pangalan ng anak niya bilang Claudia Barretto.

Binaggit pa ni Dennis na hindi niya nahihiram ang mga anak at hindi niya alam kung paano susustentuhan ang mga ito.

“Hindi ko sila nahihiram at saka hindi ko alam kung paano sila iri-reach out, hindi ko alam kung paano ipadadala ang pera, hindi ko alam kung paano sila tatawagan, hindi ko alam kung paano sila ite-text.

“Actually, nagte-text ako at tumatawag pero walang reply. And eventually, ‘yung hinapo ka ba, napagod.”

Natanong si Dennis kung bakit naging ganoon ang relasyon niya sa mga anak at nasabi niyang, hindi rin niya alam.

“’Yun siguro ang disadvantage ‘pag walang pera masyado ang tatay,” giit pa ni Dennis.

Sa kabilang banda, may problema man si Dennis sa kanyang mga anak ay maganda naman ang takbo ng career niya niya ngayon. May regular teleserye siya sa ABS-CBN, ang Ang Probinsiyano, may Deal or No Deal din siya araw-araw at every Saturday naman ay isang buwan pa raw siyang mapapanood sa Celebrity Playtime ni Billy Crawford plus ito ngang Maria Labo at may bago pa ulit siyang pelikulang ginagawa.

Ipalalabas na sa November 11 ang Maria Labo na pinagbibidahan ng baguhang siKate Brios with Jestoni Alarcon, Sam Pinto, Baron Geisler, Rey Pj Abellana,Mon Confiado, mula sa direksiyon ni Roi Vinzon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …

Pokwang Maddox Jewelry Charo Cordial

Pokwang nawalan ng alahas sa taping

I-FLEXni Jun Nardo MAGKASUNDO agad ang komedyana at negosyanteng si Pokwang at Maddox Jewelry owner  na si Ms. …

Heart Evangelista Heart World Season 2

Heart walang engrandeng piging sa kaarawan sa Feb 14 

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao. “At least, may kinapuntahan ang pagiging …