May nasulat kasing kumakabig ng P3-M kada linggo si Daniel sa tapings ng Pangako Sa ‘Yo na umaabot sa tatlong beses.
Komento nga ng nakarinig, aabutin ng P12-M ang talent fee ng batang aktor sa isang buwan, “grabe, saan n’ya dinadala ang ganoon kalaking halaga?,” sabi ng nakarinig.
Sabi naman namin na iniipon ng aktor at marami rin siyang pinagbibigyan kung sakali.
Pero kaagad itong pinabulaanan ni Karla, “hindi po, over acting lang sila, ha , ha, ha.”
Well, anuman ang totoo, eh, ABS-CBN lang ang nakaaalam at si BIR commissioner, Kim Henares, ‘di po ba Ateng Maricris?
FACT SHEET – Reggee Bonoan