Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala na ang gutom ng Bulldogs?

102015 NU bulldogsPARANG napakalabo na ng tsansa ng National University Bulldogs na mapanatili ang kampeonatong napanalunan nila noong nakaraang taon!
Kasi’y hindi sila makaahon sa hukay na kanilang kinalalagyan at nakadistansiya na sa kanila ang apat na koponang tila humihigpit pang lalo ang kapit sa Final Four. Ito ay matapos na matalo ang Bulldogs sa rumaragasang University of Santo Tomas Growling Tigers, 65-57 noong Sabado.

Iyon ang ikaanim na kabiguang sinapit ng tropa ni coach Eric Altamirano sa siyam na laro.  May limang games na ang ang naritira para sa Bulldogs.

Realistically, hindi naman nila dapat na maipanalo ang nalalabing limang laro. Kailangan lang nilang habulin ang Ateneo Blue Eagles o La Salle Green Archers na sa oras na isinusulat ang artikulong ito ay may dalawang panalong kalamangan sa kanila.

Pero easier said than done iyon. Kasi tinalo sila ng Ateneo at La Salle sa first round.

E, nasilat nga nila ang UST, 55-54 noong Setyembre 19 pero nagantihan sila ng Growling Tigers.  Hindi natin sinasabing malabong gantihan nila ang Blue Eagles o Green Archers. Pero tila mas focused ngayon ang dalawang koponang ito.

Nasabi na natin na tila wala na ang pagkagutom ng Bulldogs matapos na mawakasan nila ang 60 taong paghihintay para sa ikalawang titulo. Hindi natin alam kung ano pa ang pwedeng gawin ni Altamirano upang maibalik ang gigil ng kanyang mga bata.

Baka nga pati mismo si coach Eric ay wala na ring gigil. Tutal nga naman ay may napatunayan na siya.

Hindi nga ba’t bilang isang Fighting Maroons, matapos na mapanalunan ng UP ang ikalawang titulo nila sa UAAP ay hindi na rin sila nakaulit at hanggang ngayon ay nahihirapang umangat?

Sana’y huwag ganon ang mangyari sa Bulldogs.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …