ALL-SYSTEMS GO na sana sa pagbubukas ng 41st season ng Philippine Basketball Association (PBA) nitong linggo nang biglang pigilan ng hagupit ng bagyong si Lando.
Dahil sa sa tindi ng hangin na dala ng bagyong si Lando ay nagpasya ang pamunuan ng PBA na kanselahin muna ang opening ng PBA at itinakda na lang uli ito sa Miyerkoles.
Kaya naman yung mga fans ng PBA na matagal-tagal ding naghintay sa muling pagbubukas ng liga, todo ang pagkadesmaya. Lalo na yung mga nasa bahay na naghihintay ng live coverage sa tv. Naging boring tuloy ang pananatili nila sa bahay sa araw ng Linggo.
Hindi lang ang PBA ang inasar nitong si Lando—maging ang UAAP at V League ay kanselado rin ang mahahalaga sanang laro.
Ang matinding sinansala nitong si Lando ay ang pagsigwada sana ng karera sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.
Naunsiyame tuloy ang mga karerista na mapanood ang malalaking pakarera tulad ng 2015 Sampaguita Stakes Race na kung saan ay maghaharap sana ang mga kabayong Malaya at Marinx at ang 2015 PCSO Anniversary Race na sasalihan sana nina Pugad Lawin, Low Profile at Hagdang Bato.
Ayon sa pamunuan ng Sta Ana, okey naman ang pista pero ang malakas na hangin ang inaalala nila na baka pagmulan ng disgrasya sa hinete at kabayo.
So, no choice sila kungdi suspendihin ang takbuhan sa araw na iyon.
KUROT SUNDOT – Alex Cruz