Thursday , December 26 2024

Cesar, natulala at nakalimot sa love scene nila ni Maria Ozawa

101415 direk pedring Maria Ozawa cesar montano

00 SHOWBIZ ms mNAGANDAHAN kami sa two minutes trailer ng Nilalang na ipinapanood ni direk Pedring Lopez na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Maria Ozawa. Ito bale ang entry ng WLP kasama ang Haunted Tower Pictues at Paralux Studiossa Metro Manila Film Festival 2015.

Nakausap namin si Direk Pedring bago mapanood ang trailer at naikuwento nitong blessing ang pagkakuha nila kay Cesar. Bale second choice lang dito si Cesar na ang unang dapat gagawa ay si Robin Padilla. Pero dahil sa pagbubuntis noon ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, nag-back-out ang actor.

“Wala namang nabago sa script ng movie. Noong hindi pumwede si Robin I wanted to find somebody that can play na parang Robin talaga. And obvious choice namin si Cesar ‘coz I also know Cesar. And parang blessing si Cesar kasi noong ginawa na niya ‘yun, ‘Wow!sobrang galing  ni Cesar. Lahat kami ‘yung mga crew talagang humanga sa galing ni Cesar,” ani Direk Pedring na umaming medyo na-dissapoint nang hindi natuloy si Robin. “Pero naiintindihan ko ‘yung nangyari. Okey naman kami ni Robin, nagte-teksan naman kami. And I hope next year makatrabaho ko siya dahil gusto ko talaga siyang makatrabaho.”

Matagal na palang hawak-hawak ni Direk Pedring ang script ng Nilalang. At may mga binago lamang silang kaunti para mag-fit sa kasalukuyang panahon.

Sinabi pa ni Direk Pedring na wala talaga siyang maisip na ibang actor bukod kina Robin at Cesar na puwedeng gumanap sa horro/suspense/action movie.

Ipinaliwanag pa ni Direk Pedring kung bakit si Ozawa pa ang kinuha nilang isa rin sa bida bagamat marami namang magagaling na Pinay actress. ”It’s a Yakuza family story. It revolves around a Yakuza family kaya tamang-tama talaga ito for Maria Ozawa. Bukod sa fan niya talaga ako. Nang magpunta siya rito sa ‘Pinas at narinig kong gusto niyang makagawa ng pelikula, kaagad kaming nakipag-coordinate.

“Actually, originally para sa lalaki ‘yung role ni Maria, pero ini-rewrite namin para mag-fit yung role kay Maria,” sambit pa ni Direk Pedring na mas kilala sa advertising industry bilang commercial director. Pero nakagawa na rin siya ng pelikula, ang indie horror film na Binhi (The Seed) na umani ng papuri dahil sa pagkakalahad nito at magandang cinematography.

Bale childhood sweetheart sina Cesar at Maria sa pelikula kaya marami raw magagandang lovescene ang dalawa. ”Grabe talaga ang mga lovescene nila rito. May scene nga rito na natulala si Cesar at hindi niya alam ‘yung linyang sasabihin niya. Siguro naka-take 3 or 4 kami hahaha,” kuwento pa ni Direk Pedring. Pero, tiniyak naman niyang aayusin nilang mabuti ang pelikula para maaprubhan ng MTRCB ng PG-13.

Sinabi pa ni Direk Pedring, naiibang action scenes ang makikita at ipinagawa nila kay Cesar. ”When Cesar read the script he’s really excited sa mga action sequences dahil sobrang ibang action movie ang ginawa niya at napapanood niya. Kaya kahit siya, excited talagang gawin itong ‘Nilalang’.”

Hindi naman nag-aalala si Direk Pedring na isiping sexy movie ang Nilalangdahil, ”Oo nga na si Maria eh, adult star sa Japan and she’s doing a lot of sexy movies pero she’s so down to earth. Hindi niya ikinahihiya ‘yung kung saan siya nanggaling. Ang fans niya sa ‘Pinas iba-iba may A-B-C kaya feeling ko hindi naman. And the agency is planning to do 12 trailers. ‘Yung pinaka-main trailer eh 3 mins. na ilalabas sa mga sinehan which is PG-13.”

Ibinalita pa ni Direk Pedring na bukod sa pam-filmfest ang Nilalang, dadalhin din nila ito sa Japan, Los Angeles, North America at iba pang lugar. Sa ngayo’y nasa post production na sila at tapos na nila ang 21 days na shooting. “Sobrang kahanga-hanga ang work ethics ni Maria kasi she’s always on time at sobrang professional talaga. Iba talaga ang mga Hapon pagdating sa trabaho,” kuwento pa ni Direk Pedring.

Kasama rin sa pelikulang Nilalang sina Meg Imperial, Yam Concepcion, Pocholo Barretto, Kiko Matos, Dido Dela Paz at ang Viva Films ang magri-release nito.

Pinky Ramos, pang-MMK ang life story! (Cake maker of the stars)

101415 Pinky fernando ramos
NOON ay pangarap lang ni Ms. Pinky Fernando Ramos na makita sa TV ang kanyang cakes, pero ngayong nagkaroon na ito ng katuparan ay hindi raw siya halos makapaniwala. Si Ms. Pinky ang may-ari ng sikat na sikat na Fernando’s Bakery na kapag may mga showbiz event at birthdays ay kadalasang bahagi ng salo-salo.

“Hindi ako makapaniwala na makikita sa TV ang cakes ko. Excited ako kapag pinasasalamatan sa TV ‘yung Fernado’s Bakery, hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nafi-feel ko, excited pa rin.

“Dati nanonood lang ako sa ‘GMA Supershow’ ni Kuya Germs. Naisip ko na sana isang araw ay malagay din sa TV ang mga cake ko. Pero naisip ko, paano, dahil ang layo-layo nitong sa amin sa Bulacan,” saad ni Ms. Pinky.

Dagdag pa niya, ”Unang-unang cake na ginawa ko sa pelikula, ‘yung ‘My Bestfriend’s Girfriend’, kina Marian Rivera at Richard Gutierrez. Sa TV, ‘yung kay Jed Madela na nag-birthday sa ‘ASAP’, cupcake iyon. Sumunod ay kay Gary Valenciano, ‘yun ang unang-unang cake.

“Si Martin Nivera naman ang kauna-unahang ginawan ko ng letter cakes at standee na nakatayo na gawa sa cupcakes.”

Dahil sa kasikatan ng cakes ni Ms. Pinky, binansagan siya ni Martin bilang cake maker of the stars.

Nasabi rin niya ang difficulties na na-encounter niya sa business na ito.

“Marami, alam mo noong bagong-bago pa lang ako, noong nagsisimula pa lang ako, tinatanong nila kung saan ‘yung branch, sabi ko sa Bulacan, sa Baliwag. Tapos sasabihin nila, ‘Saan iyon?’

“So sabi ko sa sarili ko, sa tamang panahon darating din iyon—na makikilala itong bakeshop, tiyaga lang talaga ang kailangan,” nangingiting pagbabalik-tanaw pa niya.

Sila lang ba ang bakeshop na ang name ng may birthday ay naka-spell sa cake?

“Oo, naisip ko kasi iyon, dahil sabi sa ‘ASAP’ dapat ay laging hina-highlight ‘yung name ng may birthday. Iyong sa cupcake, inisip ko na ‘yung mga mukha nila. Naisip ko rin ‘yung cupcake na may name, may mukha at nakatayo. Tapos, ginagaya na nila ‘yung cupcake, kaya naiisp ko na gusto ko ‘yung cupcakes na may paa na parang tao na talaga.”

Ano ang sikreto kung bakit gusto ng mga artista at taga-showbiz ang kanyang cake? ”Mahalaga kasi sa akin na matuwa ang mga tao. Hindi lang basta mabigyan ko sila ng cake, may kasamang pagmamahal iyon. Kahit hindi nga nila ako pasalamatan eh, basta matuwa lang sila sa birthday nila.”

Ano ang nararamdaman na well loved siya sa showbiz? ”Napakasarap ng pakiramdam, higit pa sa nanalo sa jackpot! Talagang napakasaya ko.”

Kung isasadula ang buhay niya, sa MMK ba o sa Magpakailanman? ”Ang hirap ng tanong mo, sana parehas na lang, hahaha!”

Sino ang gusto niyang gumanap na Pinky Ramos?

“Si Maja (Salvador), para sexy! Pero parang malayo sa katotohanan!” pabirong saad ni Ms. Pinky. Pagpapatuloy pa niya, ”Kasi napakabait niya at hindi siya nagbabago. Kahit ako’y pagod na pagod, kakalabitin lang ako ni Maja at naaalis na agad ang pagod ko.”

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *