Thursday , December 26 2024

A Song Of Praise Music Festival, mas kapana-panabik ngayon!

101215 asop

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG apat na taon na ang A Song of Praise Music Festivalng UNTV. Ang ASOP ay nagbibigay daan para sa mga professional at amateur composers na nais iparinig sa mas nakararami ang mga nilikhang awit at magbigay papuri sa ating dakilang Lumikha.

Sa ikaapat na taon, iba’t ibang genre ng mga praise song composition ang pumasa sa panlasa ng mga monthly assigned judge na naghatid sa kanila sa grand finals night.

Tulad ni Benedic Sy ng Cavite na R&B ang komposisyon hatid sa pamamagitan ng Walang Hanggan sa interpretasyon ng dating keyboardist ng grupong South Border na si Maki Ricafort. Angkop naman sa matamis na boses ni Acoustic Sweetheart Sabrina ang Mahal Mo Ako sa komposisyon ni Maria Loida Estrada na mula pa sa Zamboanga City.

Tiyak namang Last Song Syndrome o LSS ka sa Jesus I Love You na likha ni Timothy Joseph Cardona, sa interpretasyon ni 5thGen memberRJ Buena. At siyempre hindi mawawala ang mga “Birit” song composition gaya ng awiting Kung Pag-ibig Mo’y Ulan na isinulat ni Christan Malinias ng Baguio City sa interpretasyon ni The Voice Season 2 finalist,Leah Patricio; Dakila Ka Ama na likha ni Ella Mae Septimo sa interpretasyon ni Ruth Regine Reyno na mula sa girl group na Ch4rmd.

May power ballad din para sa mga kalalakihan gaya ng Dinggin Mo, oh Dios sa panulat ng isang OFW na si Cris Bautista, sa interpretasyon niWCOPA Senior Vocalist of the World Reymond Sajor; Alabok na likha ng call center agent na si Jesmer Marquez na bibigyang buhay naman ni actor, singer, indie film director Jeffrey Hidalgo; Pahintulutan Mo nakomposisyon naman ni Leonardo de Jesus III na isa sa mga power ballad na inaasahang mag-iiwan ng tatak sa ating mga puso at isip. Aawitin ito ni Singing Chemist, Philippe Go.

Kasama rin dito ang Pakamamahalin din Kita sa komposisyon ng isang Science teacher na si Dennis Avenido sa interpretasyon ni music royalty,Nino Alejandro.

Samantala, kakaibang kuwento naman ang kung paano isinulat ng mga kompositor ang mga awitin. Si Joseph Bolinas, isang music teacher at sumulat ng Sabik sa’Yo na dahil sa kanyang gitara na madalas dalhin sa umpukan sa kanto ay mapalad na nakasali sa grand finals. Aawitin naman ito ni Ney Dimaculangan na dating vocalist ng bandang 6-Cyclemind.

Inihambing naman ng isang tricycle driver na si Rolan Delfin sa araw-araw n’yang pamamasada ang byahe ng kanyang buhay kaya nalikha niya angIkaw na lang Mag-drive ng Buhay Ko na aawitin ng komedyanteng si Betong Sumaya.

Mula sa isang tanong ni Dennis Roxas ang Salamat Po, Ama. Mga tanong na hinahanapan ng tamang kasagutan na nagbigay daan para  makalikha ng isang awitin. Ang aktor na si Jojo Alejar ang aawit nito.

Ang magiging panel of judges naman ay binubuo nina Ryan Cayabyab,Celeste Legaspi, Jett Pangan, Jungee Marcelo, Mon del Rosario, at  Lachmi Baviera.

Naglalakihang premyo ang naghihintay para mapalad na magwawagi—P50,000 at plaque for Best Music Video Award;  P50,000 at plaque para sa People’s Choice Award; P50,000 at plaque para sa Best Interpreter; P100,000 para sa 3rd runner-up; P150,000 para sa 2nd runner-up; P250,000 para sa 1st runner-up; at P500,000 para sa Song of the Year!

Ang ASOP Year 4 Grand Finals Night ay gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum sa October 13, 6:00 p.m..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *