Video Karera ni Berting largado sa Maynila!
Jerry Yap
October 5, 2015
Bulabugin
FOR your information Mayor Erap, marami pong nagtataka sa patuloy na pamamayagpag ng mga demonyong makina ng video karera at fruit games ni BERTING ng Parola compound.
Putok na putok sa MPD at city hall ang VK operation ni Berting dahil nasapawan na ang ibang antigong VK operators.
Mukhang siya raw ang nabigyan ng special VK franchise ng isang bossing diyan sa city hall.
Tama ba Madam VK, Tata Ber ‘lespu’ Nabarog, Fucknoy ‘lespu’ Fresnedi at Tata Kariaso!?
Package deal pa anila kapag nagpuwesto sa mga kalabang G.L dahil 4-5 VK machines para sa mga ADIK na parokyano at 2-4 na FRUIT GAMES naman para sa mga kabataang minumulat at inihuhuma na maging adik sa kanilang demonyong makina.
Ayon sa isang reliable source natin sa MPD, ipinagyayabang ng tarantadong Berting VK na kasosyo pa n’ya ang isang “SUPT” as in super taas na lespu ng MPD dahil laging ka-buddy buddy ng isang alias “PO1 BIG BOY” na tauhan nito.
Kaya naman pangitang-pangita na pasok ang illegal gambling ni VK Berting pati sa bagman na si Tata Kristong ng tinaguriang “delihensiya unit” ng isang Kupitan.
‘Yan ang kanilang pinamamalita, sila ang numero unong pamato ni VK Berting?!
Sonabagan!!!
Isang alias PO1 Big Boy naman ang siyang nagsisilbing locator at nagpupwesto ng demonyong makina ni Berting.
ALAM mo ba Mayor Erap, maging ang pangalan mo ay ginagasgas ng mga hayop kasama pa ang isang alias DE-TSABES sa kanilang VK operation.
Nilagyan nila ng code name: ERAP BERTING VK at kinulayan pa ng kulay ORANGE ang kanilang mga VK machines para ipakita sa ibang mga pulis na ‘timbrado’ na ito sa city hall.
NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao,wala ba kayong kampanya laban sa mga VK machines na pati mga kabataan ay nalulong sa demonyong makina na ‘to?
Hindi ba’t may standing order noon na sisibakin ang station commander na mahuhulihan ng video karera sa kanilang A.O.R.!?
Nalimutan na ba ni MPD DD Gen. Rolly Nana ‘yan!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com