SIMULA pa lang ng karera noong araw ng Biyernes sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic,Cavite ay nasilip agad si Class A Jockey J.B. Cordova ng mga Board of Stewards.
May ginagawa si Jockey Cordova sa ibabaw ng kanyang kabayong Super Charge na pag-aari ni Mr. R.P. Dela Rosa na hindi kanais-nais habang ito’y papalapit sa finish line.
Matapos ang karerang yun ay ipinakita agad sa TV monitor ng “Under Investigation” si Jockey Cordova.
Bakit “Under Investigation” pa samantalang gumawa ng katarantaduhan sa ibabaw ng kabayo na dapat patawan ng parusang “suspensiyon.”
Sana daw ipaliwanag ng mga kinauukulan sa Horse Industry kung ano raw ang ibig sabihin ng “Under Investigation.”
PUWEDE BA MGA SIR?
oOo
May napupuna ang Bayang Karerista na tuwing may ma-iiskrats na outstanding favorite na kabayo sa isang karera tiyak dahado ang mananalo dito.
Ang lahat ng “BET” o taya ng naliyamadong kabayo sa race na yun ay ipapatong sa “Segunda” liyamadong kabayo na minsan ay wala nang interes na manalo.
Tiyak daw “Dehadong Kabayo” ang mananalo.
TOTOO ITO PA MORE!
oOo
Ang mga karera na inaabangan ng Bayang Karersita sa buwan ng Oktubre ang Klub Don Juan De Manila Derby. Ang Golden Girl Stakes Race, Klub Don Juan De Manila Juvenile “Colts” Stakes Race at Klub Don Juan De Manila Juvenile Fillies Stakes Race.
Hahataw sa karerahan ng Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas City.
Abangan din ang mga magagandang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom).
ABANGAN PO NATIN.
oOo
Nakausap po natin ang isang mabait ng horse owner sa isang OTB sa Sampaloc, Maynla. Siya ay si Mr. Lito Testa na madaling kausap at matulungin.
Sa darating ng Oktubre 4, 2015 ay ipagdiriwang ni Mr. Testa ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan.
Binabati natin ng “HAPPY BIRTHDAY” at ng kanyang mga kaibigan na sina Reiner Dela Rosa, Deyv Adnalac, Jensine Del Rosa at Michael Skills si Mr. Testa.
MABUHAY KA BOSS!
Dead Heat – Freddie M. Mañalac