Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, natiyope sa kagandahan at kaseksihan ni Jen

100115  jennylyn mercado sam milby

00 fact sheet reggeePERFECT combination sina Sam Milby at Jennylyn Mercado kaya kung sakaling magkatuluyan sila, tiyak ang gaganda’t guwapo ng tsikiting nila.

Yes Ateng Maricris, sobrang bagay ang dalawa, sabi rin mismo ni direk Jun Robles Lana na ang ganda ng chemistry ng dalawa at wala kang hahanapin pa kaya raw hindi siya nahirapang humanap ng anggulo kina Sam at Jen.

Kaya nagtataka ang lahat kung bakit walang naganap na ligawan noong nasa romantikong lugar sila sa Central Park, New York City.

Ang paliwanag ni Samuel, “ayoko po kasi ng (ligawan) habang ginagawa ang movie, siyempre baka isipin dahil may project kami so, sa tamang panahon. Ang ganda ng puso niya, she’s maganda, mabait, sexy, it’s really excited to work with.”

Sabi pa ni Sam, “I’m actually quiet person.”

Hindi kaya sa pagiging tahimik at mabagal niya ay maunahan na naman siya?

Natawa si Sam, “well, sometimes we have to get out of our comfort zone if you really want to pursue talaga.”

Binanggit namin kay Sam ang sinabi ni Jennylyn na hindi raw siya nagsasalita noong nasa NYC sila kaya wala raw siyang ginawa kundi mag-viber ng mga naiwan niya rito sa Pilipinas.

Sagot ulit ni Sam, “well, kasi nga I’m quiet person.”

Wala raw talagang panahon para yayain ni Sam si Jen na lumabas o mamasyal man lang.

“It’s all work talaga, for seven days puro work so walang time. Nakakapag-usap lang kami kapag break, nagbibiruan,” sabi ni Sam.

JEN, IDEAL WIFE FOR SAM

At ngayon nasa Pilipinas na sila at tapos na ang shooting nila, “puwede naman ngayon. Let’s see.”

Sa edad na 31 ng aktor ay talagang mapapangasawa na raw ang hanap niya kapag nagkaroon siya ng girlfriend.

“My ideal age and to have a family is 35, gusto ko sana. My dad had me when he was 49, so kung sino ‘yung susunod na (girlfriend), sana siya na, okay ba ‘yun?” sabi nito.

Sa tingin ba ni Sam kung sakali ay ideal wife si Jennylyn.

“Yes of course! I can see na she’s a great mother kay Jazz, very responsible siya. What I really like about her, sobrang daming blessings niya daming dumating sa kanya pero never lumaki ang ulo niya, number one sexiest sa ‘FHM’, pero naka-humble niya, she’s a real true person, ang ganda ng puso.”

Hindi rin daw isyu kay Sam kung may anak si Jennylyn, “hindi naman issue, If I think about it, I really want to have my own family, pero kung talagang siya, walang problema kasi nakikita ko talagang she’s a great mom.”

Ang gusto raw kasi ni Jennylyn ay lalaking mamahalin ang anak niya hindi lang siya, sa madaling salita ay package deal sila ni Alex Jazz.

“Yes (of course), as long as we have also our own kids,” sabi ulit ni Sam.

Kaya muli naming hirit, ‘ano pa ba ang hinihintay mo, ang tagal-tagal mo’ at muling natawa ang aktor, “minamadali mo ako ate Reggs.”

At nagpaliwanag ang aktor kung sakaling may boyfriend ang babaeng gusto niya.

“Ayoko kasing pumasok kapag may boyfriend na, same thing na ayoko ring gawin sa akin kasi it feels bad. So, I respect that.  Ayokong sinusubukang agawin, ‘di ba?” paliwanag ng binata.

Eh, nagkakalabuan na raw sina Jennylyn at Dennis Trillo, “ahh, well ang maganda sa amin, we have a lot of chemistry, we have a lot in common.”

‘DI PABOR SA PRENUP

Samantala, hindi naman pabor si Sam sa PreNup kung sakaling mag-asawa siya.

“Kapag nag-asawa ako, iyon na ‘yun, wala ng hiwalayan.  So I’m not into pre-nup,” sabi ni Sam.

Buo kasi ang pamilya ni Sam kahit Amerikano at Filipina ang magulang niya kaya hindi niya type ang broken home.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …