VERY-VERY sad naman ang nangyari sa buhay ngayon ng sexy actress na during her time ay namayagpag talaga nang todo ang career sa TV at movies. Bukod sa madalas mapabalitang hindi na nakababayad sa upa sa hindi naman kasosyalang apartment si boldstar at na-puputolan pa ng koryente. Hindi na rin linya ang gamit nitong cellphone sa pagkontak sa mga ine-emotan niya ng raket o kaya mga inuutangan kundi nagtitiyaga na siya sa prepaid.
At dahil wala siyang maid, si SA na rin daw mismo ang nagpupunta sa tindahan para magpa-load at kanya itong ina-unli para siya makatipid dahil dapang-dapa na at wala na ngang salapi. Shock, nga ‘yung kaibigan at kapwa boldstar na kanyang kausap noong araw na nagpapa-load sa sari-sari store.
Hindi sukat akalain ni mas bata-batang hubadera na sasapitin ng friend niyang nag-reyna noon sa Seiko at iba’t ibang movie outfit na ganito na ang sitwasyon nito ngayon sa buhay na konti na lang at baka sa squatter area na tumira. Ang masaklap poor na nga ay panay pa rin daw ang tira ng shabu ng napapariwang celebrity.
Naku Mr. Generous, Sir Jerry Yap kanlungin mo na ang kaawa-awang boldstar gyud!
Sa rami ng fans na nasabik sa pagbabalik sa Primetime
“ANG PROBINSYANO” NI COCO, PUMALO SA NATIONAL TV RATING NA 41.6%
Sa rami ng fans ng Hari ng Teleserye na nasabik sa pagbabalik niya sa primetime, sa pilot night ng TV adaptation ng classic at blockbuster movie ni Da King FPJ na “Ang Probinsyano” kaya nitong Lunes (Sept 28) buong bansa ang tumutok sa pagsisimula ng action-serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pumalo agad ang pilot night nito sa national TV rating na 41.6%, o 25 na puntos na lamang sa kalabang programa sa GMA na “Marimar” na nakakuha lang ng 16.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Sa pilot episode ng programa, ipinasilip ang mga pinagdaanan ng karakter ni Ador (Coco) sa kanyang buhay sa akademya na nagpapakita ng hirap at dedi- kasyon ng mga naghahangad na maging alagad ng batas. Bukod sa pangunguna sa listahan ng pinakapinanood na mga programa sa bansa, bumuhos din sa social media ang mga papuri ng netizens tungkol sa TV adaptation ng obra ni Da King Fernando Poe Jr., kung kaya’t nag-trend worldwide ang opisyal na hashtag na #AngProbinsyanoSimula sa Twitter.
Kasabay ng pagbubukas ng “Ang Probinsya-no” ang patuloy na pamamayagpag sa ratings ng ABS-CBN Primetime Bida, tampok din ang pag-uumpisa ng “Tonight with Boy Abunda” ng King of Talk na si Boy Abunda. Sa parehong gabi, panalo ang “Pangako Sa ‘Yo” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagtala ng national TV rating na 34.3% laban sa 14.9% ng “Beautiful Strangers.” Patuloy ding kinakikiligan ng sambayanan ang “On the Wings of Love” nina Nadine Lustre at James Reid na nakakuha ng 21.4% kontra sa 12.6% ng “My Faithful Husband.” Pagdating naman sa pagbabalita, “TV Patrol” din ang mas tinutukan ng mga manonood sa nakuha nitong national TV rating na 32.3%, mas mataas ng 14 puntos laban sa “24 Oras” (18.1%).
Patuloy namang pinapainit ng “Pasion de Amor” ang primetime na mayroong national TV rating na 26.3%, malayo sa 11% ng “Starstruck.” Abangan ang mga kapanapanabik na eksena sa pinakabagong teleserye sa Primetime Bida, ang FPJ’s “Ang Probinsyano,” pagkatapos ng “TV Patrol.”
Para sa karagdagang impormasyon, maglog-on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndot- com sa Twitter.
LOLA NIDORA, TIDORA AT TINIDORA MAKIKI-CELEBRATE SA 11TH WEEKSARY NG ALDUB, LIVE NGAYONG SABADO SA EAT BULAGA
Every Saturday sa episode ng certified no.1 KalyeSerye ng ALDUB sa Eat Bulaga ay hindi sila nawawalan ng pasabog. Kung noong Sabado ay nangyari na ‘yung unang pag-akyat ng ligaw ni Papa Tisoy (Alden Richards) kay Meng (Yaya Dub) sa mansiyon ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa 9th Street sa New Manila, this Saturday (Oct 3) ay live ninyong mapapanood ang globally famous na triplet na sina Lola Nidora, Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo) plus Yaya Dub herself.
Makiki-celebrate kasi ang magkakapatid sa 11th weeksary nina Alden at Yaya Dub. Abangan kung habang ongoing ang show ay payagan ni Lola Nidora na umalis ang dalawa at mag-date sa sinehan. Dahil mas surprising ang episode na ito, posibleng lampasan na naman ng AlDub ang hawak nilang record na 26 million tweets sa Twitter.
We heard na tuwing Sabado ay dito ibinubuhos lahat ng AlDub Nation ang kanilang pagte-tweet non-stop ng 24 hours.
Ganyan ka-supportive ang AlDub nation sa iniidolo nilang love team na phenomenon kung ituring ngayon worldwide.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma