Thursday , December 19 2024

P6-M shabu kompiskado sa bigtime pusher/holdaper

0929 FRONTTINATAYANG aabot sa P6 milyong halaga ang dalawang kilo ng shabu na nakompiska ng mga awtoridad mula sa tatlong hinihinalang bigtime drug pusher at holdaper sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay NCRPO director, Chief supt. Joel Pagdilao, kinilala ang naaresto na sina Nhelmar Mendiola at Noel Mendiola, mag-ama, at Glenn Ramos, pawang ng Brgy. Rosario, sa lungsod.

Napag-alaman, dakong 12:45 a.m. nang salakayin ng mga operatiba ng NCRPO Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ang hang-out ng mga suspek gamit ang P2 miyon cash na pambili ng droga.

Sa aktong iniaabot ng mga suspek sa poseur buyer ang droga, agad silang dinakma ng mga awtoridad.

Bukod sa dalawang kilo ng shabu, nakompiska rin mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril.

Dagdag ng opisyal, raket ng mga suspek na holdapin ang mga parokyano nila na bibili ng droga kapag ipinakita na ang pera.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng NCRPO at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002) at illegal posession of firearm.

Bagets timbog sa pagtutulak ng damo

ARESTADO sa buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) ang isang 17-anyos binatilyo sa Paco, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nasa protective custody na ng Manila Police District Pandacan Police Station 10 si Jesus Abante, residente ng Casimiro St., Las Piñas City.

Ayon kay SPO1 Rufo ng Pandacan police, dakong 9 p.m. nang masakote ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sa buy-bust operation ang suspek sa Guazon St., Paco, Maynila.

Nakompiska sa menor de edad ang tinatayang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Abante na siya ay inutusan lamang  para iabot ang droga sa isang lalaki na asset pala ng pulisya.

Leonard Basilio

Tulak na college professor tiklo

NAARESTO ng pulisya ang isang college professor na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Obando, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Inspector Rolando Isidoro ng Obando Police, kinilala ang suspek na si Jessie Bernardo, 50, nakatira sa Brgy. Catanghalan, sa naturang bayan.

Ang suspek na nakadetine na sa Obando Municipal Jail ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drug Act) makaraang makompiskahan ng marked money at limang small plastic sachet ng shabu.

Ayon sa ulat, dakong 4:30 a.m. nang isagawa ang buy-bust operation makaraang isailalim sa week-long surveillance ang suspek kaugnay sa pagtutulak ng droga.

Napag-alaman, isang poseur buyer ang bumili ng shabu sa suspek at nang tanggapin ang P500 marked money kapalit ng droga ay agad siyang dinakip ng mga awtoridad.

Nang kapkapan ng mga awtoridad ang suspek ay nakompiskahan din siya ng apat pang small plastic sachet ng shabu.

Micka Bautista

About Ed Moreno

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *