Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek at Tetay, tuloy pa rin sa 2015 MMFF

051815 kris aquino herbert bautista

00 fact sheet reggeeSA Aquino and Abunda Tonight noong Biyernes sinabi ni Kris Aquino na tuloy si Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang leading man niya sa pelikulang entry ngStar Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Maraming nagsulat na si Derek Ramsay daw ang bagong leading man ni Kris sa Mr and Mrs. Split base na rin sa sinabi ng Queen of All Media sa presscon ng Etiquette for Mistresses na hihingi muna sila ng permiso sa MMDA kung papayag at tuloy daw sila ni Bimby na gawin ang pelikula.

Kaya pala hindi kami sinagot ni Kuya Boy Abunda nang mag-follow up kami noong MIyerkoles kung sino na ang leading man ng TV host/actress ay dahil sa AA pala ito ibabalita ni Kris bilang huling gabi na niya.

Tulad ng nasulat namin na health reasons ang dahilan kaya iiwan ni Kris ang Aquino and Abunda Tonight.

Inamin ni Kris na akala raw niya ay iba na ang leading man niya, “akala ko rin, eh (hindi na tuloy si Bistek), and iba na ang title (pelikula), ayaw natin ng ‘split.”

At natatawa si Kris sa bagong titulo ng pelikula nila ni Bistek, “gusto natin, ‘Love, Love, Love, Pamilyang Love’.”

Kaya ang sundot ng King of Talk kay Kris, ‘what’s excite you about the movie’ pero tiningnan siya ng kausap na parang sinasabing, deadma na.

Unang beses palang magkakasama sina Bistek at Kris base na rin sa sagot niya sa tanong ng King of Talk kung unang beses silang magsasama.

”In my life, I think he’s one of the best comedians, really,” sabay tawa ni Kris at sinabing, “tama na Boy.”

Samantala, si Kris naman ang sumalang sa fast talk segment ni kuya Boy

Boy: black or white

Kris: white.

Boy: mabango o maputi

Kris:  mabango

Boy:  malaki o maliit

Kris:  sabay tawa, malaki

Boy:  flowers or chocolates

Kris:  flowers

Boy:  chocolates or sex

Kris:  chocolates

Boy:  Adobo o Bistek

Kris:  (tawa ng tawa), bistek nab angus

Boy:  past, present, future

Kris:  present, wala kang future kung hindi mo dadaanan ang present muna.

Boy: what made you angry

Kris:  being ignored

Boy:  may hugot, ha, ha, ha.

Boy:  kung bulaklak ka, ano ka

Kris:  ay ano ako, siguro ‘yung tulip kasi yon daw ‘yung everlasting love for me, for you (Boy).

Boy: last person you called on the phone.

Kris:  I called my ate.

Boy:  what do you do before sleeping

Kris:  I prayed.

Boy:  last time you lie

Kris:  last Sunday

Boy:  first impression of me

Kris:  loud

Boy:  talaga?

Kris:  we met first in Bistro Lorenzo (Greenhills), it’s was our first meeting and I’m still in college. Girlie Rodis fixed it, sabi ko, ang lakas ng dating, sino kaya ito.  Ikaw (Boy) anong first impression mo sa akin.

Boy:  dangerous! Totoo ‘yan.

Boy:  san part ka ng buhay mo ngayon.

Kris:  surrender to the universe

Boy:  one day before Christmas, complete the sentence, all I want for Christmas is.

Kris:  For Noy’s candidate to win.

Boy:  best sister.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …