Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pastillas Girl, pangsalba raw sa ratings ng It’s Showtime

091915 Pastillas Girl

00 fact sheet reggeePERFECT timing ba ang pagdating ni Pastillas Girl sa It’s Showtime?

Kaya namin ito naitanong ay dahil humahabol na sa ratings game sa kalabang programa ang pantanghaling programa ng ABS-CBN.

Mukhang nahuli nito ang panlasa ng ‘madlang pipol’. Banat ng iba nanggaya raw.

In fairness, malayong-malayo ito sa kalye-serye dahil true to life experience ang kuwento ni Pastillas Girl na ‘di sinasadyang naging viral ang pag-emote sa video na ipinost tungkol sa pagtataksil sa kanya ng ex-boyfriend at kaibigan nito.

Humingi lang naman itong si Angelica Yap aka Pastillas Girl ng advice kay Madam Bertud at mula noon ay maraming nagpadala ng sari-saring opinion sa pamamagitan ng social media.

Hmm, malakas ang appeal ni Pastillas Girl at marami ang gusto siyang makilala dahil marami rin ang naka-relate sa kanyang sinapit kaya’t patok ito sa mga manonood.

Mula noon, ang ‘madlang pipol’ mismo ay nakisali at tumulong sa paghahanap kay Mr. Pastillas.

May magandang leksiyon din itong naituturo na ang pakikipag-kawanggawa, pagpapatawad at “pag-move” on.

Mahirap gawin dahil laging masakit ang kahit ano mang “break-up”, patuloy tayong lumalaban sa buhay at mas nagiging madali nga naman ang problema kapag marami kang karamay.

At sa sitwasyon ni Pastillas Girl, naging kakampi niya ang ‘madlang pipol’ pati na rin ang mga nakatutuwang host ng It’s Showtime na tila naging instant friends at Kapamilya niya.

Kung pagbabasehan ang Kantar national TV ratings ng It’s Showtime, makikitang lumakas ito at pumapalo ng 18.5% noong nakaraang Biyernes kompara sa kalabang programa na pumapalo ng 20.6%. At kahit maraming tumutok sa kalabang programa noong Sabado, hindi natinag ang It’s Showtime at napanatili nila ang mataas nilang ratings na 17.9%.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …