Thursday , May 15 2025

Umiikot na ang ambisyosong si Ex-Energy Sec. Jericho Petilla

00 Bulabugin jerry yap jsyIIKOT na raw ang asenso, sabi ni dating Energy Secretary Jericho ‘Ikot’ Petilla.

Aba ‘e paikot-ikot na ang mga tarpaulin kung saan-saan.

Ano ba ang pinaiikot mo, Mr. Petilla?!

Baka naman pinaiikot mo lang ang ulo ng sambayanan?!

Aba, gaano ka ba katagal naging Energy Secretary?

‘E ni hindi mo man lang naibaba ang presyo ng koryente at lalong hindi nawala ang brownout sa mga probinsiyang higit na nangangailangan ng liwanag.

‘Yung mga probinsiyang walang  koryente at umasang magkakaroon na sa ilalim nga administrasyong naniniwalang may ‘Daang Matuwid’ ‘e nangamuti na ang mata sa kahihintay ng liwanag pero wala rin namang lumiwanag.

Nasilaw lang sila sa tuktok no’ng taga-Palasyo. 

E ano naman ang kasiguruhan namin na kaya mong paikutin ang asenso?!

Ay sus, isa na namang LIP SERVICE ‘yan!

Sa toto lang, kayo lang ang umasenso at hindi ang sambayanang Pinoy!

Pekeng resibo gamit sa kolektong sa Blumentritt at Pritil Market

IISA ang estilo ng ilang tulisan ngayon na nariyan sa Manila City Hall na sinasabing nakadikit sa mga amo nila.

Puro style-bulok para makapangulimbat ng salapi sa mga nagsisikap ngunit anila’y pinahihirapang vendors.

Sa Blumentritt market at sa mga sulok nito ay lantaran ang paniningil ng P30 araw-araw kada isang kariton o mesa ng mga vendor sa loob at labas ng nasabing palengke.

Gamit lang ang isang kapirasong papel na kung tawagin nila ay ‘resibo’ kuno na hindi naman O.R. o legal na resibo.

Sonabagan!!!

Ang matindi pa, ang nakalagay na halaga sa pekeng resibo ay P10 lamang pero ang sinisingil ay P30!

Anong say kaya ng Manila Treasurer’s office  sa isyung ito!?

Saan at kanino napupunta ang sobrang P20 pesos na sinisingil nila!?

Paki-explain nga MASTER ABET TABAKO!

Iba pa raw ang para sa barangay at sa isang alias LETSE!

Ganyan rin ang nangyayaring kalakaran sa loob at labas ng Pritil market.

‘Yan ba ang malaking pagbabago sa Maynila!?

ANO ANG MISTERYO

NG LOUIS VIII SA BI?!

ANG sarap naman niyan!

Maraming nagbalita sa atin na nakita raw sa FB wall ng isang Atty. Renny Domingo ang patalastas na “LOUIS VIII FOR SALE. PM ME FOR INQUIRIES.”

Kung hindi tayo nagkakamali, ang LOUIS VII ay nagkakahalaga ngayon ng US$2,600…

Ang laking halaga niyan ha!

Ayon sa ating napakagaling na bubwit, ang LOUIS VIII na ‘yan ay regalo umano ng isang notoryus na chinese travel agency owner cum fixer sa Bureau of Immigration (BI) sa isang opisyal sa Office of the Comissioner (OCOM).

Nang malaman daw ng taga-OCOM kung magkano ang halaga ng nasabing alak, aba ‘e nagdesisyon siyang huwag nang lasapin ang sarap nito kundi pagkakitaan na lang daw.

Mantakin ninyong halos mahigit isandaang libong piso pala ang halaga niyan?!

SONBAGANCHI!!!

Ang bumili pa nga raw ng nasabing alak ‘e ang hubby ni Lady Binondo connection.

Pero ang pinakamagandang bisyo raw talaga ni Ma’m, ‘e ang mamigay ng gift cheques at lafang sa mga taga-BI-OCOM.

Bukod sa GC, para ring pabrika siya ng GADGETS kung mamigay sa anak ng mga opisyal ng OCOM gaya nga ng iPad, cellphone at iba pa…

Talagang super galante ‘ika nga.

At kapag may nagbe-birthday sa OCOM ‘e bumabaha ng lamon at cakes-pastries from Diamond hotel courtesy ni Ma’m.

No wonder, kung bakit laging everyday happy ang mga taga-BI lalo na ang mga taga-OCOM.

Ganoon na nga ba?!

‘E si SOJ Leila De Lima,napapadalhan rin kaya ng mga blessings sa BI?

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *