Kaya namin ito naitanong ay dahil may Instagram post ang aktres na hindi pa handa ang pinsan niya sa mas mataas na posisyon.
Nagdeklara na kasi si senator Grace na kakandidato siya sa pagka-Pangulo sa 2016 noong Miyerkoles ng gabi na ikinagulat ng marami dahil pawang negatibo ang komento sa kanya sa social media.
Tanda namin noong wala pang anunsiyo ang senadora sa plano niya sa 2016 ay halos lahat ay gusto siyang kumandidato para ituloy ang pakikibaka ng kanyang namayapang amang si Fernando Poe, Jr o Da King ng Pelikulang filipino.
Ang Instagram Account ni Sheryl na @papel2012 ay nakipagpalitan ng maaanghang na salita sa follower niyang si @thombenavides.
“@thombenavides: Bakit parang tahimik mo – hindi niyo ba susuportahan si Grace? Daming bumabatikos o! Anong klaseng mga pinsan kayo? @papel2012.
“@thombenavides: Baka kaya hindi mo siya sinusuportahan kasi sinabihan ka ng nanay mo na manahimik para hindi maungkat ang issue na magkapatid talaga kayo no? Yung totoo? Anak siya ng nanay mo! Sino ang ampon? Ikaw ba o siya? Hahahaha! @papel2012
Sagot ni Sheryl, ”@papel2012: Who are you @thombenavides? You don’t know anything about our family, so you don’t have any right to judge us especially my mom!
“I’ve been seeing your posts and honestly ayaw kitang patulan and I don’t want to please you for answering back – but dragging my mom again on the political journey of my cousin Grace will not make me just sit here and read. This should STOP!
Humirit ulit si ”@thombenavies: Are you really sisters? Ha ha ha and are you supporting your sister? #nosebleed ako #sana tagalog ang reply mo.
Sabi ni Sheryl, “@papel2012: Manang Grace and I are not sisters. My Mama is not her mother. Please spare my mom with all these lies.
“Nakikiusap ako. I had been quiet about this issue and nor did I meddle on the political agenda of Manang Grace – it’s her decision to whether run or not. It was her who decided t o take on this complicated path – I and my mom have nothing to do with it – so do not expect my presence on any of her endeavors.
“I’m reserving my support when I see that she’s ready to lead. I know her long enough – for now – I’m sorry, but don’t count me in I wish her well and for you too @thombenavides – please leave us alone.”
Ano kayang masasabi naman ni Ms Susan Roces dito?
FACT SHEET – Reggee Bonoan