Ilalim ng bahay ang maiisip mo kapag ginamit ang salitang Silong. Na siya namang titulo ng suspense-thriller movie nina Rhian Ramos at Piolo Pascual na hatid ng Black Maria Pictures and Star Cinema Productionsna mapapanood na sa mga sinehan ngayon.
May kanya-kanyang mga bagay ang mga katauhan nina Valerie at Miguel at sa pagsasama nila sa iisang bubong, doon nila lubusang makikilala ang isa’t isa.
Pinag-usapan ang napabalitang lovescenes ng dalawa sa kanilang mga eksena na nagpaka-daring si Piolo by showing his butt.
And boy! It was buffed and toned! (Napanood namin siya sa Cinemalaya as its closing film).
“Dahil kaibigan ko si Jepoy (Jeffrey Hidalgo, the director), sinunod ko lang ang instructions niya. Baba pa. Baba pa.”
Biruan na nga sa cast and the directors (the one being Roy Magsaysay Ho) ang tungkol sa pwet ni Papa P!
I was waiting lang sa magiging reaksiyon niya. But nary a squirm on his face showed.
Hindi siya nakitaan ng pagiging uncomfortable.
Siguro naman alam niyo na kung bakit.
Baka naman may second chance! At sumilong lang muna ang mga puso nila sa comfortable zones na makapagpapahinga muna sila and give each other the spaces they needed!
Hugot ha!
HARDTALK – Pilar Mateo