Sa presscon noong Martes ng bago niyang seryeng The Ryzza Mae Show Presents. . . Princess in the Palace na produce by TAPE, Inc. at mapapanood na sa Sept. 21 saGMA-7, sinabi ni Aiza na binigyan siya ng leave of absence ng ABS-CBN management habang mayroon siyang Princess in the Palace.
Napag-alaman naming walang exclusivity si Aiza sa kahit anong network kaya puwede siyang tumanggap ng show kahit saang network basta’t hindi magkakatapat-tapat ito.
Ani Aiza, hindi siya nagtanong sa management kung bakit siya pinag-leave.
Aniya, nalungkot nga siya sa desisyong ito ng ASAP 20 pero nirerespeto niya ang desisyon ng Kapamilya Network. ”No hard feelings. I understand, and I respect the decision. Yes, I felt bad because I will miss ‘ASAP’. More than anything, more than the decision, I will miss the people, I will miss the Sessionistas, it became a habit for me, it has been six years already straight.”
Sinabi pa ni Aiza na hindi niya inaasahang mangayayari ang pagpapahinga niya sa ASAP lalo’t hindi nga naman direktang magkalaban o magkatapat ang Princess in the Palace at ang Sunday show ng Dos.
“But siguro, right now, alam naman natin hanggang ngayon, mayroon pa ring network thing na nangyayari, especially I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon, so yeah, I think they’re just protecting themselves din.
“And ang sabi lang nila, they don’t wanna set precedent na gawin din ng ibang artists ‘yun sa kanila. So, that’s fine,”giit pa ni Aiza.
Very thankful naman si Aiza sa TAPE family niya dahil lagi raw nasa tabi niya ang mga ito anuman ang mangyari. Alam niyang hindi-hindi siya iiwan ng TAPE family niya.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio