Friday , January 3 2025

Pan-Buhay: Panglabas lamang

00 pan-buhay“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naaani ninyong yerbabuena, ruda, linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani. Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at pagiging makasarili. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa, at magiging malinis din ang labas nito.” Mateo 23:23; 25-26

Si Lorna ay palasimba at laman ng simbahan. Ngunit sa bahay, daig pa sa busabos ang kanyang trato sa kanyang mga kasambahay kapag nagagalit o nag-uutos. Si Juan naman ay tinuturing na isang ulirang padre de pamilya dahil maayos niyang naitataguyod ang kanyang asawa at tatlong anak. Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, may ibinabahay siyang kabit at ang kanilang isang anak. Si Jose ay isang kilala at respetadong politiko na madalas nagbibigay ng tulong sa mahihirap at sa mga biktima ng mga sakuna. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, kinukurakot ni Jose ang kaban ng bayan at pawang pera ng bayan ang ipinamumudmod upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan at posisyon.

Katulad din ni Lorna, Juan at Jose, ang mga Pariseo at mga tagapagturo noong panahon ni Jesus. Mukhang maganda ang ginagawa sa panglabas ngunit bulok ang mga kalooban nila. Madalas panglabas lamang ng isang tao ang ating nakikita. Humuhusga tayo sa pamamagitan lang ng nakikita natin. Ngunit iba ang Diyos. Nakikita niya lahat at alam niya ang kaloob-looban natin. “Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.” Awit 139.

Anumang kabutihan ang ating gawin, ang lahat ng ito’y nawawalan ng saysay kung galing sa isang sakim o makasarili o mapagkunwaring kalooban. Kahit gaano kaganda ang ating panglabas, bale-wala ito kung madumi ang ating loob. Sa susunod na mayroon tayong gagawing kabutihan, maiiwasan nating mawalan ito ng saysay kung itatanong muna sa ating sarili, “Ito ba ay panglabas lamang?”

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

PAN-BUHAY – Divina Lumina

About Divina Lumina

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *