KUNG magse-survey man tayo ngayon kung sino ang karapat-dapat na tawaging Prince of Musical Play, walang duda, ang pangalan ni Gerald Santos ang runaway winner.
Bidang-bida kasi si Gerald sa Pedro Calungsod (The Musical) at hanggang ngayon ay iniikot niya ito sa lahat ng Catholicschools sa buong kapuluan.
Bukod dito, may isa pang musical play na niluluto for Gerald , mas malaki ang scope nito dahil unlike sa Pedro Calungsod na pang-Katoliko lang, ngayo’y isang Biblical character ang gagawin niya kaya puwedeng manood ang kahit sino.
Busiest year so far for Gerald ang 2015 dahil nga rito saPedro Calungsod. Every year din ay palagi siyang may malakihang concert. In fact, nominado si Gerald for Concert Performer of the Year para sa nakaraan niyang concert sa PICC kamakailan entitled It’s Me.
Nominated din si Gerald bilang Male Pop Artist of the Year para sa kanyang kantang Kahit Anong Mangyari.
INDIE MOVIE, GAGAWA RIN
Anytime soon ay magsu-shooting na rin si Gerald ng isangindie movie na isasali sa New Wave Category sa darating na MMFF.
Nalaman ko mula mismo kay Gerald na si Pedro Calungsod pala ay namatay sa edad na 17. Batambata pa.Nalaman ko rin na hindi kumuha ang producer ng alternate for Gerald para sa nabanggit na musical. Wala raw kasing mahanap ang produ na puwedeng gumanap kundi si Gerald lamang.
Mahaba pa raw ang lalakbayin ng Pedro Calungsod the Musical at kapag natuloy ang isa pang musical aba, mukhang malilinya na talaga si Gerald sa teatro.
Happy siyempre si Gerald dahil ang dami niyang work pero wish ni Gerald na makabalik sa telebisyon bilang performer sa isang variety show o kaya sa teleserye dahil pagdating sa pag-arte ay hasang-hasa na siya.
MAKATAS – Timmy Basil