Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silver ang Gilas sa Jones Cup

090815 gilas pilipinas jones
HINDI man naging kampeon ang Gilas Pilipinas sa katatapos na Jones Cup, nagawa naman ng RP team na masustina ang kanilang effort para lumanding sa 2nd place.

Maganda nang achievement iyon sa team na ngayon lang binuo.

Iyon ay minus Andre Blatch na hindi naglaro sa kabuuang games sa Jones Cup.

Imadyinin mo kung naglaro si Blatche sa RP Team—malamang na nagkampeon pa tayo sa pantaunang torneyo.

Pero buwenas itong Korea at Iran na tumalo sa atin sa Jones Cup.   Para bang sinasadya ng pagkakataon, sa tuwing makakaharap nila ang Pilipinas, wala ang mahalagang manlalaro sa team.

Kung natatandaan ninyo noong nakaraang taon sa FIBA Asia, hindi rin nakalaro si Blatche sa RP dahil sa isyu ng residency.   Hindi siya na-qualify maglaro. Hayun, namayagpag ang Iran sa pangunguna ni Haddadi.

Ganun pa man, tinalo natin ang South Korea para makasampa sa FIBA World.

Ngayong FIBA Asia na gaganapin sa China, dito na masusubok ang kalidad ng Iran ngayong makakalaro na si Blatche.   Hindi na makakadomina si Haddadi sa shaded lane dahil may pantapat na tayo.

At sa timplada ngayon ng Gilas, mukhang nagji-jell na ang team.  Tingin ko, may tulog na ang Iran sa RP Team.

0o0

Labing anim na manlalaro ang ipinadala ng Pilipinas sa Jones Cup.   Well, kitang-kita naman kung sino ang nagpakitang-gilas sa nasabing torneyo at kung sino ang nangitlog sa laro.

Pero mukhang hindi lang apat ang matatanggal para malaman ang final line up.

Mukhang lalaro si Jordan Clarkson sa Gilas.   At baka may bigla na lang humabol na VIP sa line up.

Paano iyon?   Baka back-to-zero na naman ang National Team dahil sa mga bagong papasok?

Abangan natin ang development nito.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …