Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lamang ang Mahindra sa naging trade

090115 Rosario Alas Ramos Canaleta

MAGANDA  na rin ang nauhang kapalit ng Mahindra (dating KIA) para kay Troy Rosario na siyang naging No. 2 pick sa 2015 PBA Draft na naganap sa Robinson’s Place Manila dalawang Linggo a ang nakalilipas.

Three for one ang nangyari.

Napunta sa Mahindra ang mga beteranong sina Rob Reyes, Aldrech Ramos at Nino Canaleta kapalit ni Rosario.

May nagsasabi na malaki sana ang potential ni Rosario na miyembro ng National University Bulldogs na nagkampeon sa UAAP noong nakaraang taon. Si Rosario, isang 6-7 center-forward, ay naglaro para sa Hapee Toothpaste at sa national team na nagkampeon sa Singapore Southeast Asian Games. Kasalukuyang miyembro siya ng Gilas Pilipinas 3.0.

Pero siyempre, kung si Rosario lang mag-isa, malamang na hindi niya mabuhat ang Mahindra na naghahangad na makaangat buhat sa mababang ranking noong isang taon.

Mahirap na iatang sa balikat ng isang rookie ang ganitong responsibilidad. Medyo matatagalan bago niya maihatd sa tagumpay ang Mahinra.

Kaya naman pumayag na sa trade ang Mahindra. Inaprubahan naman ni commissioner Chito Narvasa ang three-way trade na kinapalooban ng Talk N Text at NLEX. Napunta si Rosario sa Talk N Text samantalang nakuha ng NLEX si Kevin Alas na naglaro sa kanila noon sa PBA D-League.

Kung titignan mabuti ang trade, aba’y nakalamang ang Mahindra. Kasi nga’y rookie at wala pang pruweba si Rosario. Malalaking manlalaro naman sina Reyes, Canaleta at Ramos.  Si Reyes ay isang mahusay na defender, si Canaleta ay Slam Dunk champion at  three point shooter. Si Ramos ay original member ng Gilas pilipinas.

Tiyal na mapakikinabangan kaagad ang tatlong ito at makakatulong sa pag-angat ng Mahindra.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …