Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jadine realistic ang hatid na kilig gabi-gabi sa tv viewers

033015 Jadine
Bukod sa Doble Kara, Ningning, Nathaniel at Pangako Sa‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Isa sa teleseryeng addicted talaga kami sa pagtutok gabi-gabi sa love-serye ng Jadine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na “On The Wings of Love.”

Honest, kahit na ‘di kami bagets, ay pinakikilig kami nang husto ng JaDine. Ibang klase kasing magpakilig ng TV viewers si James, na suwabe at cute ang dating. Lalo na sa mga eksenang iniinis at pinapatulan talaga ang pinakasalang si Leah (Nadine) para magkaroon ng green card at makapagtrabaho nang tuluyan sa Amerika upang makatulong sa pamilya sa Filipinas lalo na sa Tatang (Joel Torre) na may sakit sa puso. Kahit galit na kasi ang aktor, gwapong-gwapo pa rin siya sa TV at hindi talaga pagsasawaan ang character niya bilang si Clark na malungkot rin ang kabataan na lumaki sa San Francisco na hindi kinikilala ng amang Amerikano, kaya patuloy siyang nakikipagsapalaran sa bansa ni Uncle Sam para sa mga umaasang kapatid sa Pinas. Kasama niyang lumaki ang kanyang Tita Jack (Cherry Pie Picache) na hanggang ngayon ay umaalalay sa kanya. Naku, ngayong unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Clark kay Leah, siguradong pati kayo ay mai-inlove rin sa nasabing hottest loveteam.

Wala kaming nakikitang labtim na pwedeng gumanap sa mga role nina James at Nadine sa On The Wings of Love dahil sila lang talaga ang mga nababagay rito. Ang ganda ng batuhan nila sa serye at umaapaw talaga ang chemistry nila sa isa’t isa.

Ang blockbuster at kilalang hugot queen ng pelikula na si Antoniette Jadaone ang director ng OTWOF Love na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida after Pangako Sa‘Yo.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …