Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, pinupuri ang galing sa Pedro Calungsod

Gerald Santos Pedro Calungsod
NOONG isang gabi ay isa si Gerald Santos sa mga dumalo sa birthday celebration ng kaibigan naming sikat na movie reporter na si  Roldan Castro at makikita mo pa rin ang kanyang kababaang-loob.

Kumanta siya ng dalawang kanta, at ang huli niyang kinakanta ay ang song na kanyang ipino-promote niya ngayon, ang Sa ‘Yo Lang at napapanood na rin sa Myx ang MTV ng kanta na kasama niya ang magandang si Danita Paner.

Sa August 30 ay muling mapapanood si Gerald sa entablado via the stage play na Pedro Calungsod na medyo matagal-tagal na ring ginagampanan ni Gerald, ang huli ay sa isang school sa Mindanao last week lang na dinumog talaga si Gerald ng mga estudyante. Literal na kinuyog siya ng mga estudyante na gustong magpa-autograph at sa August 30 naman ay sa Dela Salle, Dasmarinas ito magtatanghal.

Bukod sa stage play na Pedro Calungsod, madalas ding kunin si Gerald sa mga show dahil  hindi naman abot-langit ang presyo niya at madali namang kausap ang kanyang manager na si Cocoy.

Hindi ko pa napanood ang Pedro Calungsod at sana’y mapanood ko ito soon.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …