MABUTI naman at madalas daw bitbitin ngayon ni Tom Rodriguez ang girlfriend na si Carla Abellana sa gym tuwing may work-out siya dahil kung hindi ito ginawa ng hunk aktor ay baka tuluyan nang maging chabelita ang maganda at flawless pa namang Kapuso aktres.
Sobra raw kasi ang pagkamahiligin sa pagkain ni Carla at may iniho-host pang weekend cooking show sa GMA-7 kasama si Chef Jackie kaya lalo pang lumulusog ang aktres dahil ‘yung mga niluluto nilang iba’t ibang putahe sa show ay tine-take out nito kaya ang ending mataba talaga siyang tingnan sa TV screen at kapansin-pansin ‘yon sa mga show na nilalabasan niya sa Kapuso.
Saka naturingang babae siya ay kinakabog pa siya ng boyfriend na si Tom na physically fit at talagang nagmumura ang abs. Mabuti na lang at natauhan ang actress/host kaya unti-unti na ngang nagbabawas ng timbang sa tulong nga ni Tom na hindi lang siya labs kundi very supportive pa at concern sa kanyang health at career.
Napaka-ideal na boyfriend gyud!
SA SOBRANG HUSAY NI JULIA MONTES SA HEAVY DRAMA, BABAHA NANG LUHA SA “DOBLE KARA” TUWING HAPON SA KAPAMILYA GOLD
Isa kami sa entertertainment press na pinaiyak ni Julia Montes, habang pinapanood namin siya lalo na sa kanyang mga heavy drama scenes sa celebrity screening ng bagong teleserye niyang “Doble Kara” na first time gumanap ng dual role ang sikat na Kapamilya young actress.
Magmula sa mga ginawang teleserye ni Julia sa Dreamscape Entertainment na tatlo sa kanyang project sa TV production ni Si Deo Endrinal ay nakatambal niya ang Primetime King na si Coco Martin ay sobrang nahasa na siya pagdating sa mga madramang eksena na muling ipinamalas niya sa Doble Kara.
Hindi doble kundi triple ang husay ni Julia na gumaganap na Kara at Sarah. Lalo na sa huling eksena sa pilot week ng soap na nagkita ang kambal na pareho nang dalaga. Matagal na panahong nawalay si Kara sa kanyang pamilya na sina Mylene Dizon, Ariel Rivera at Sarah. Ipinagamot kasi sa Amerika ng mag-asawang Carmina Villaroel at Allen Dizon ang dalaga na maysakit na leukemia. Habang si Sarah naman ay patuloy sa pakikipagsapalaran sa pagsali sa iba’t ibang beauty contest at lahat ng pangarap ay gustong matupad para sa kanyang pamilya. Isa sa laging nakaalalay sa kanyang mithiin ang Ninang na ginagampanan ni John Lapus. At makakamit lang daw niya ang kanyang pangarap sa pakikipagsapalaran sa Manila kaya sinuportahan naman siya ng kanyang nanay Mylene at stepfather na si Ariel.
Siyempre may pampakiling rin sa serye na mai-inlove sa karakter ng kambal at sila ang mga bagong leading men ni Julia na si Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Sobrang galing rin gumanap ng batang Kara at Sarah na kahit baguhan pa lang sa pag-aartista ay ramdam na may malaking future sa showbiz.
Wagi pala sa rating ang pilot episode ng Doble Kara noong Lunes na humamig sila ng 16.9% mas mataas ng ilang puntos sa katapat na programa sa kabilang network. Naku, pusong bato na lang yata ang hindi iiyak ng balong-balong luha sa Doble Kara na napapanood sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Flordeliza na magwawakas na ngayong Agosto 28 (Biyernes).
“NINGNING” NI JANA PINAKAPINANOOD NA DAYTIME TV PROGRAM SA BANSA!
Namamayagpag ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa ang top-rating drama series ng ABS-CBN na “Ningning” na pinagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo. Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Biyernes (Agosto 21) na pumalo ang “Ningning” sa pinakamataas nitong national TV rating na 21.9%.
Samantala, bilang pasasalamat sa suporta ng TV viewers sa nangungunang daytime drama series sa bansa, maagang nakipag-bonding sina Ningning (Jana) at ang kanyang best friend na si Macmac (John Steven de Guzman) sa mga cute at bibong estudyante ng Makati Elementary School. Ang pagbisita nina Ningning at Macmac sa eskwelahan ay pagsisimula ng “Ningning School Tour.” Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng exciting adventures ni Jana sa “Ningning” araw-araw pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ningni- ng,” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ningning” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma