SI JOCKEY Winnerson Utalla ay naging isang professional jockey sa tulong ni Mr. Felix Lauron na isang horse trainer.
Kinumbinse ni Mr.Lauron si jockey Utalla na pumasok sa Philippine Jockey Academy. Nang matapos siyang mag-aral dito ay naging isang apprentice jockey siya.
Sa pagiging apprentice jockey niya ay naipanalo niya ang kabayong Honor Class na pag-aari ni Mr. Honorato Neri.
Dalawang taon lang siya sa pagiging apprentice jockey at siya ay naging isang professional jockey.
Sa pagiging professional jockey ang una niyang naipanalong kabayo ay ang Black Parade na pag-aari ni Mr. ay Naval Narciso.
“Masayang-masaya ako nang una akong magpanalo ng sinakyang kong kabayo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nadarama ng araw na yon.”
“Sana sa mga kapwa ko hinete na bago o dati na, mahalin po natin ang ating propesyon. Ito ay para sa ating pamilya na malaki ang maitutulong,” sabi ni Jockey Utalla.
oOo
Noong mga nakaraaang karera ay dominado ng mga liyamadong kabayo ang nanalo kaya maliit ang nagiging dibidendo sa nagiging resulta.
Kung wala raw nagbibiyaheng may-ari ng kabayo na liyamado tiyak masaya ang Bayang Karerista.
Dapat daw ilagay din sa listahan ng “Under Investigation” ang Horse Owner at Horse Trainer na makitang kahinahinala ang kinilos ng kanilang kabayo sa aktuwal ng karera.
Hindi lang dapat ang hinete ang nabibigyan ng parusa pati sila dapat parusahan kung mapapatunayang sangkot sila dito.
Kung maparusahan sila, DI WOW!
oOo
Nakapanayam natin si Barangay Chairman Dennis Racelis ng Brgy. 737 Zone 80 ng Malate, Manila.
Naikuwento niya sa atin ang tungkol sa isang trailer na may dalang “chemicals” na may halagang walong million piso na biglang huminto o nasira sa may South Super Highway.
May dumating daw na Towing Service na may sakay na dalawang crew. Imbes na hatakin itong trailer ay pumanhik itong dalawang tao at pinagnakawan ito.
Sa mabilis na reponde ng grupo ni Chairman Raceli ay nahuli nila ang mga suspek at dinala sa presinto 5, MPD.
Hindi nagtagal ay pinakawalan ang suspek dahil ayaw na raw magreklamo ng may-ari ng trailer na may dalang chemicals dahil abala lang ito sa kanilang negosyo.
Desmayado si Chairman Raceli sa nangyari. Maganda sanang accomplishment ito para sa kanya barangay.
oOo
May nagpadala ng text dito sa ating kolum at ito ang nilalaman ng kanyang text…Good am Freddie Zero win ang gilas in 3 games…noe people will realize, hindi pwede panay Puso.. Sbp should revamp Mvp should step down and an overdue election should be held to pave way for a better basketball program. Texter no.0917816….
oOo
Bayang Karerista abangan at suportahan po natin ang darating na Mayor Ramon D. Bagatsing 7th Annual Memorial Cup na hahataw sa karerahan ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.
Dead Heat – Freddie M. Mañalac