Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mar at Koring naki-party kay Mother Lily

082215 korina mar roxas mother lily

00 SHOWBIZ ms mLABIS ang pagkagulat at kasiyahan ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa sorpresang pagdating nina DILG Secretary Mar Roxas at misis na si Korina Sanchez-Roxas sa kaarawan ng una na isinagawa sa Valencia Gardens ni Mother sa San Juan.

Hindi kasi inaasahan ni Mother Lily na dadalo sina Kuya Mar at Ate Koring sa kanyang birthday bash na dinaluhan din ng mga sikat na artista, movie press, batikang direktor ng pelikula at telebisyon, mga kaibigan sa loob at labas ng idustriya, at marami pang iba.

Bagamat malapit si Mother Lily sa potensiyal na mga kandidato sa pagka-presidente para sa national elections sa 2016, very open at vocal siya sa pagsuporta kay Sec. Mar.

Maaalalang present si Mother Lily at ang kanyang anak na si Roselle Monteverde-Teo sa declaration ni Sec. Mar sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo na isinagawa noon sa Club Filipino na inendoso siya ni PNoy sa ngalan ng Liberal Party.

“Naniniwala ako sa kalinisan, kakayahan, at karanasan ni Mar na mamuno sa ating bansa,” ani Mother Lily.

Tuwang-tuwa naman si Ate Koring sa suporta at pagmamahal na nakukuha nila mula kay Mother Lily,”Nakakataba naman ng puso na may isang katulad ni Mother Lily na isa sa mga haligi ng industriya ang naniniwala sa kakayahan ng aking asawa. Mahal na mahal niya kami and one thing is for sure, we love her back.”

Equally happy and honored naman si Sec. Mar sa overwhelming na pagmamahal ni Mother sa kanya.”Napakalaki ng respeto ko kay Mother Lily at pinahahalagahan ko ang kanyang paniniwala sa akin. Hindi ko sisirain ang tiwala niya sa akin sa pagpapatuloy ko sa daang matuwid.”

Talagang nagkaroon ng kakaibang kulay at kasiyahan ang birthday party ni Mother dahil sa presence nina Sec. Mar at Koring na bihirang   dumalo sa mga function na magkasama. Game na game sina Sec. Mar at Koring sa pakikipag-chikahan at humihingi ng selfie sa kanila tulad ng mga bagong batch ng Regal babies, members ng entertainment press, at iba pang mga bisita.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …