Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gelli, reyna na ng TV5 sa rami ng shows

020215 gelli de belen
HAPPY wife for real; Misterless on reel! ‘Yan ang mundong iniikutan ngayon ni Gelli de Belen. At sa telebisyon niya na gagampanan ang ikinasisiya ng buhay niya.

“Hindi naman kasi ako choosy. Kasi sa TV iba-iba naman ang mga tema ng offer. Hosting. Reality. Comedy. Although bakit ko naman tatanggihan ang magandang offer sa pelikula kung magkaroon. Minsan lang, I feel na kailangan ko magrepaso at baka may kalawang effect na. Haha! Nami-miss ko rin siyempre.”

Nabiro tuloy namin si Gelli na baka siya na ang maging Reyna ng TV5 at maya’t maya rin ang dating ng blessings sa kanya.

Pero ang ‘di niya makalilimutang papel eh, ang pagiging nanay niya sa dalawang boys nila ni Ariel (Rivera) na sina Joaqui at  Julio na mga binatilyo na. Hindi ba siya nakaka-feel ng being left out dahil mas nagiging open ang boys sa Dad nila?

“Ay, hindi! Super sweet kasi ang dalawang boys sa amin ni Ariel. They share what’s on their minds kaya hindi naman kami nahihirapan as far as communication is concerned. Happy lang!”

Sunday nights sa TV5, kanya-kanyang kembot ang empowered women ng Misterless Misis at 9:00 p.m. nakikita mo ba ang sarili mo sa isa sa kanila? Gelli’s character as Liza is the wife of an OFW na napalilibutan ng mga katsismisan!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …