Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ini-hostage at napatay ng praning na mister

OLONGAPO CITY- Natapos sa trahedya ang halos dalawang oras na hostage drama sa lungsod na ito makaraang mapatay ng suspek ang kanyang misis na ginawa niyang hostage kahapon.

Kinilala ang suspek na si Victor Rodriguez, 42, habang ang biktima ay misis niyang si Marivic, 38, kapwa residente sa Mactan, Purok 1, Brgy. Old Cabalan, sa lungsod na ito.

Ayon sa ina ng suspek na si Angelita, 64, dakong 9:30 a.m. nang makita niya ang anak na nag-aamok habang armado ng kutsilyo.

Aniya, galit na sinisigawan ng suspek ang mga taong nasa loob ng kanilang bahay.

Bunsod nito, inilayo ng mga kaanak ang dalawang maliit na anak ng mag-asawa habang si Marivic ay tinangkang awatin ang suspek.

Ngunit dinakma ng suspek ang ginang, tinutukan ng patalim at ipinasok sa kuwarto.

Habang nagsisigawan ang mag-asawa, pinakiusapan ng mga kaanak si Rodriguez na pakawalan si Marivic ngunit pasigaw na sinabi ng suspek na nais niyang makausap ang mayor ng Olongapo City kundi ay papatayin niya ang kanyang misis.

Agad inimpormahan ng pulisya si Olongapo Mayor Rolen Paulino ngunit hindi pa man nakararating sa lugar ang alkalde ay narinig ang malakas na paghingi ng tulong ng biktima.

Pagkaraan ay lumabas ng kuwarto ang du-guang suspek na natangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.

Habang natagpuan ang biktimang nakahan-dusay at may 15 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanyang agad na ikinamatay.

Nauna rito, nabatid na halos dalawang buwan nang hindi lumalabas ng bahay ang suspek.

Bunsod nito, niyaya siya ng tiyuhin na umi-nom ng beer at habang nag-iinoman ay nabanggit ni Rodriguez na may humahabol sa kanya.

Kinabukasan, bago maganap ang trahedya ay kakaiba ang ikinikilos ng suspek at naganap ang trahedya.

Napag-alaman na madalas saktan ng suspek ang kanyang misis at mga anak sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi nabanggit sa ulat ng pulisya kung lulong sa ipinagbabawal na gamot ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Claire Go

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …