Friday , November 15 2024

60-anyos Chinese, 5 pa tiklo sa droga

ARESTADO ang isang 60-anyos Chinese national na No.5 most wanted person, at limang iba pa sa pinaigting na kampanya laban sa droga sa lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni Senior Supt. Bernabe Balba, PNP Provincial Director, ang mga nadakip na sina Kai Wai Lee, 60, alyas Kawali, Chinese national, nakatira sa Sta. Ana, Maynila; Harry Baltazar, 25; Lea Alcantara 37; Maricel Bulalayao, 34; Bong Kenneth Orduña, 27, at Jameson Dalimpapas, 23-anyos.

Unang nadakip si Lee na wanted sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dakong 9 a.m. Habang dakong 5 p.m. nang madakip ang lima pang suspek na nagsasagawa ng pot session sa Taytay, Rizal.

Nakompiska mula sa mga suspek ang apat plastic sachet ng shabu, aluminum foil, tooter, dalawang lighter, dalawang plastic ng marijuana, limang bala ng cal. 45, bala ng super .38 caliber at bala ng 9mm pistol.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Posession of Firearms at Ammunition) at paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

About Ed Moreno

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *