TYPE namin ang naging sagot ni Albie Casino hinggil sa rati pa rin nilang isyu ni Andi Eigenmann.
Mapi-feel mo sa aktor na nagbabalik-Kapamilya dahil sa On the Wings of Love ang sensiridad at pagkakaroon ng sinasabi niyang peace of mind.
May mga nagtanong din kasi rito hinggil sa tila kakaibang paraan ni Andi ng pang-iinis sa rati nitong mga kaibigan o ex-bf via social media posts na tila may anghang o laman.
Ang latest nga nitong inamin ay si Jake Ejercito na tinawag pa nitong ‘mayabang’ at ‘scum of the Earth.’
Natatawa man ay nag-dialogue na lang si Albie na as far as he is concerned, nakapag-move on na siya at mayroon na siyang inner peace.
Si Albie ang magiging ka-triangle ng tambalang James Reid at Nadine Lustre sa On the Wings of Love simula ngayong Agosto 10, Lunes sa ABS-CBN primetime gold.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus