SPEAKING of Maja, in high spirit ito sa pagtatapos ng Bridges of Love this Friday.
Kumbinsido ang lahat na isa nga si Maja sa pinakamagagaling nating aktres sa henerasyong ito. At bilang si Mia sa teleserye, nadala ni Maja ang kanyang pagiging leading-lady sa dalawang guwapo at kapwa mahuhusay na aktor na sina Jericho Rosales at Paulo Avelino, sa kakaibang level.
Hindi siya ‘yung tipong dekorasyon lang dahil kahit daw sa totoong buhay ay lumalaban siya at naninindigan kahit sa ngalan ng pag-ibig.
Well, sa pagpupursige niyang gawin ang mga ipinangako niya noon, nakagawa nga ng mga kanta si Maja na very soon ay willing daw niyang i-record o isama sa album.
Tayo na raw ang bahalang mag-interpret kung para saan, sa ano at kanino ang mga awitin, dahil aniya, “naging open book naman sa lahat ang buhay ko ‘di ba?”
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus