Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Antoinette, 4ever na sa Dreamscape

080415 Deo Endrinal Antoinette Jadaone

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Deo T. Endrinal, matagal na raw silang nagkausap ni direk Antoinette Jadaone na gagawa ng teleserye sa Dreamscape Entertainment. Marami kasi ang nagulat na nakuha ni DTE si direk Tonette gayung sa Star Cinema siya nagsimulang magdirehe ng commercial films kaya’t inaasahan ng lahat na roon din ang first serye project niya.

“Ay matagal ko ng nakausap si direk Antoinette, noong time pa ng ‘Genie in a Bottle’ nina Angeline (Quinto) pa kaya bago pa nanalo ‘yung ‘Tadhana’, bago pa kumita ang ‘English Only Please’, ‘You’re My Boss’. At madali naman din siyang kausap,”pagkaklaro ni DTE.

Ang kaibahan daw ni direk Antoinette, ”may iba siyang estilo, iba siyang mag-ilaw, kita mo nga ‘di ba, ang ganda sabi nga parang pelikula (‘On The Wings of Love’). So gusto ko siya (direk Antoinette)”

At dahil impressed ang lahat sa mala-pelikulang teaser ng On The Wings of Love ay tiyak kaming gustong-gusto talaga si direk Tonette ni sir Deo kaya ang tanong namin ay ‘forever’ na ba ang direktor sa Dreamscape Entertainment?

“Ay hindi naman kasi hindi niya kayang pagsabayin ang pelikula at teleserye ayaw niya ng nangangarag.

“Eh, siya ang direktor nina Herbert (Bautista) at Kris (Aquino) sa pang-film festiva movie, so tingnan natin,” say ni DTE.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …