MAY nag text sa amin kahapon, “si Gerald Anderson itinakbo sa St. Lukes hospital dahil naaksidente sa ‘ASAP20’ rehearsal dahil sa pagkaka-dislocate ng left shoulder dahil namali ang tukod ‘pag back-flip niya.”
Tinanong namin ang taga-ASAP20, “na-dislocate lang ‘yung shoulder nang mag tumbling sa opening prod dapat ng ‘ASAP’, okay na siya ngayon, naibalik na ang shoulder tapos binigyan ng pain reliever.”
At dahil sa nangyari, si Rayver Cruz na raw ang pumalit kay Gerald sa opening number kahapon.
ni Reggee Bonoan