Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatlong carry over inaabangan; Ang kabayong one cup

00 dead heatINAABANGAN ng Bayang Karerista ang pagbabalik ng karera sa Metro Turf Club, Malvar, Batangas. Nagkaroon kasi dito ng tatlong “carry over.”

Ang WTA ay may carry over na P1,745,447.62, ang Pick 6 ay may P366,236.00 at P486,755.57 sa Pick 5

Sa araw ng Sabado at Linggo, Agosto 1 at 2 paglalabanan ang mga naging “carry over.” Siguradong magiging malaki ang “sales” ng karerahan sa araw na ito.

Sa mga mananaya kung may kursunada kayong dehadong kabayo sa araw ng ito isama na ninyo at baka sakaling manalo.

Sabi nga nila “small capital, big dividend” pag nanalo ang tinayaan mong dehadong kabayo.

Di WOW PAG NANALO!

***

Inimbitahan tayo ni Mr. Macky Maceda upang “i-pictorial” ang kanilang bagong kabayo na nabili kay Mr. Putch Puyat.

Ang pangalan ng bagong kabayo na may dalawang taong pa lang ay ONE CUP na kinuha sa pangalan ng isang wine sa Japan .

Itatakbo muna si ONE CUP sa Novatos at pag pumasa ito dito puwede nang isabak sa Maiden race.

Liban kay Mr. Macky Maceda, meron siyang kasosyo kay ONE CUP na sina Mr. Eric Y. Roxas at Mr. Jhing Garcia na pawang mga bagong horse owner.

Magtagumpay sana kayo kay ONE CUP at tiyak marami kayong mapapaligayang Bayang Karerista.

MABUHAY PO KAYO MGA BOSSING!

***

Sa Agosto 16, 2015 hahataw ang PCSO National Grand Derby na may distansiyang 1600 meters. Ito ay para sa mga kabayong tatakbo na may edad na tatlong taon.

Ang mga opisyal na kalahok ay sina Princess Ella, Rockmyworld, Sky Hook, Driven, Epic, at Princess Meili.

Sa mananalong kabayo ay tatanggap ang may-ari ng P800,000; 2nd P350,000; 3rd P200,000 at ang breeders prize ay P150,000.

Suportahan po natin Bayang Karerisita ang pakarera ng PCSO.

***

Muling makikita sa mga racing programs ang pangalan ni Class A jockey Jesse B. Guce. Nakabalik na siya at sumakay nitong Hulyo 31, 2015.

Matatandaan na nahulog si jockey Guce at nagtamo ng pinsala sa katawan. Ngayon, puwede na siyang sumabak sa mga aktuwal na karera.

GOOD LUCK JESSE!

***

Binabati natin sina bossing Rolly Garcia at Bossing Oliver Carlos.

Deadheat – Freddie M. Manalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Freddie Mañalac

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …