Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, itinuturong dahilan daw ng tampuhang Bea at Zanjoe

073115 lloydie bea zanjoe

00 fact sheet reggeeSADYANG hinintay namin ang Aquino and Abunda Tonight noong  Martes para mapanood at pakinggan ang pahayag ni Zanjoe Marudo tungkol sa tsikang hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Bea Alonzo sa loob ng apat na taon.

Inamin kasi ng dalaga sa presscon ng The Love Affair na may pinagdaraanan sila ni Zanjoe at okay na sila ngayon at sabi pa ni Bea ay, ”responsibilidad mo na paligayahin ang sarili mo.”

Parehong nasa London ang dalawa kamakailan para saThe Filipino Channel (TFC) show kamakailan at doon daw sila nagkausap at okay na nga sila.

Sabi ni Zanjoe sa taped interview niya sa AA, ”hindi naman ‘to ang unang beses na mayroon kaming pinagdaanan ni Bea. Maraming beses na.

“Siyempre ‘yung pagmamahal, hangga’t hindi nawawala ‘yun, hangga’t naroon ang pagmamahal, kahit anong problema ang dumating sa amin, hindi kami matitibag kung mahal pa rin namin ang isa’t isa.”

Sabi pa ni Zanjoe na nagkaroon sila ng panahon noong nasa London sila ni Bea, ”masaya kami, kagagaling lang namin sa London. So, ayun, nag-enjoy kami roon.”

Ang komento naman ng aktor sa isyung nag-date o lumabas sina Bea at Paulo Avelino, “yun nga ‘yung hindi maganda, may mga nadaramay pang ibang tao.

“Dahil hindi naman ganoon ‘yung nabuo naming relasyon ni Bea na alam ng tao.

“So, hindi maganda na nadudumihan dahil sa mga ganoong klaseng isyu.

“Hindi ‘yun kasali sa kung anuman ‘yung pinagdaraanan namin ni Bea,” seryosong sabi ng aktor.

Sa madaling salita, labas na si Paulo sa isyung may pinagdaanan sina Bea at Zanjoe.

Teka, baka naman si John Lloyd Cruz ang dahilan ng tampuhan nina Zanjoe at Bea dahil matatandaang super-mega sweet ang dalawa noong nag-show sila sa UK nitong taon din para sa promo rin ng coffee table book ng One More Chance?

Ano sa palagay mo Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …