HINDI natin masisi ang namamahala sa career, ng guwaping na young singer-actor kung sa mga interview ng kanilang alaga ay ayaw na nilang ma-identify pa sa kanyang amang actor na nasa kabilang network.
Paano matagal nang nega ang image ng tinutukoy nating aktor na sabi ay nasira ang career dahil sa droga? Kaya may point kung sino man ang nag-uutos na bawal tanungin ng reporter si batang aktor lalo na kapag tungkol sa daddy niya ang topic.
Kaso sa recent grand presscon ng malaking pelikula na malapit nang ipalabas sa sinehan, nang ipa-interview ng kanyang handler si bagets actor ay may nakalusot na tanong about his Dad, na kung pinanonood ba siya nito sa mga project niya sa kanyang mother studio.
Mabilis na sagot ni YA, na maganda ang breeding ay hindi pa raw siya napanood ng kanyang Papa at hindi rin daw sila nagkikita nito. Doon na nga sumingit si handler sabay pakiusap na huwag nang tanungin si bagets sa kanyang ama.
Kalokah, ni sulyap ay hindi man lang nag-effort si actor para panoorin ang anak sa mga show na nilalabasan nito.
E, sikat kaya ‘yung teleserye sa gabi na part ng cast si young actor na pinagbibidahan ng isa sa hottest love team sa showbiz. Dapat nga ‘e maging proud siya sa anak dahil gumagawa ng sariling pangalan kaso wala ngang ‘weder’ ang nasabing aktor na madalas ay pawisan tuwing nagre-report sa kanyang mga taping.
Ano ba ‘yan gyud!
“OH MY G,” PANALO SA NATIONAL TV RATINGS
Daytime teleserye ni Jana Agoncillo agad ‘nagningning’ sa ratings
Buong pusong niyakap ng buong sambaya-nan ang pagdating ng bagong daytime teleserye ng ABS-CBN na “Ningning” na pinagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.
Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Lunes (Hulyo 27) kung kailan nanguna bilang pinakapinanood na daytime TV program sa bansa ang pilot episode ng “Ningning” taglay ang national TV rating na 19.9%. Bukod sa TV ra-tings, namayagpag din ang teleserye sa social media sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang hash-tag na #Ningning.
Samantala, panalo rin naman sa TV viewers ang ‘Ultimate Test of Faith’ finale ng drama series na “Oh My G” na pinagbidahan ni Janella Salvador. Noong Biyernes (Hulyo 24), humataw ang pagtatapos ng “Oh My G” sa national TV rating na 16.2%.
Ang “Ningning” at “Oh My G” ay mula sa produksiyon ng grupong lumikha ng hit drama series na “Be Careful With My Heart,” “Pure Love,” at “Dream Dad.” Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng pinakabagong daytime drama series na magbibigay-liwanag sa araw ng TV viewers, “Ningning,” at tunghayan ang batang probinsiyana sa masaya at mga pagdaraanang pagsu-bok sa buhay kasama ang buong pamil-ya na simpleng namumuhay sa Isla Baybay kasama ng kanyang mga magulang na sina Lovely (Beauty Gonzales) at Dondon (Ketchup Eusebio) at Mamay na si Pacita Angeles na ginagampanan naman ni Sylvia Sanchez. Napapanood ito weekdays sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ningning,” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ningning” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma