Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, best dressed sa SONA; Dawn at Lucy, 2nd & 3rd lang

072915 kris lucy dawn 

00 fact sheet reggeeSA botohang nangyari sa Fashion People’s Choice ay si Kris Aquino ang number one sa best dressed sa ginanap na huling SONA ni Presidente Noynoy Aquino noong Lunes, Hulyo 27.

Ang blue Filipiniana gown ay gawa ni Michael Leyva at in fairness ang seksi ni Kris sa nasabing kasuotan na nakakuha ng 27,000 likes sa Facebook.

Hindi naman nagpadaig ang The Love Affair leading lady ni Richard Gomez na si Dawn Zulueta-Lagdameo dahil nakamit nito ang ikalawang puwesto na nagtala ng 17,000 likes (FB).

Nakuha naman ng magandang misis ni Richard na si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez ang ikatlong puwesto.

Ikaapat naman si Saranggani Vice Governor Jinkee Pacquiao na asawa naman ni People’s Champ at Rep. Manny Pacquiao.

Ikalimang puwesto naman ang misis ni Senator Sonny Angara na si Tootsy Guevarra-Angara.

Nasa ikaanim na puwesto si Heart Evangelista-Escudero, maybahay ni Senator Chiz Escudero.

Pampitong puwesto si Senator Grace Poe-Llamanzares na balitang tatakbo sa pagka-presidente sa 2016.

Ang magandang konsehala na si Shalani Soledad-Romulo, maybahay ni Pasig Representative Roman Romulo ang nasa ikawalong puwesto.

Ang dating TV Patrol correspondent na ngayo’y Representative ng 3rd District ng Laguna na si Sol Aragones ang nakakuha sa pang-siyam na puwesto.

At ang maybahay naman ni Senator Bongbong Marcos, Jr. na si Liza Marcos ang nasa ika-sampung puwesto.

Sina Pangulong Aquino, Senator Bongbong, at Richard ang napuri sa simpleng barong na suot nila.

Samantala, nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng nagkagusto sa suot niyang gown.

In fairness Ateng Maricris, simple lang ang mga kasuotan ngayon sa SONA hindi katulad noong isang taon na pakiwari mo ay mga miyembro sila ng Star Magic, sabi nga ng karamihan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …