At dahil pass muna si mama Rene sa pagtuklas ng magagandang dilag ay kinunan na lang siya ng pahayag kung sino-sino sa mga showbiz young star ang puwedeng sumali sa beauty contest.
”Hindi ko na masyadong kilala ngayon ang mga batang artista, pero ngayon, ang gusto ko ‘yung Soberano (Liza), gusto ko ‘yun kasi matangkad, hindi na siya molded na artista na tinurukan sa mukha, exotic, mestiza pero kita mo ‘yung pagka-Filipina kaya sini-single out ko siya.
“Siya lang ang nag-struck talaga sa akin si (liza) Soberano. Iba ang mukha niya from the rest,” say ni mama Rene.
Eh, si Janine Gutierrez na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher kung puwedeng sumali sa beauty contest, dahil maganda at matangkad?
”Well napansin ko siya, pero ang nag-struck talaga sa akin si (liza) Soberano,” giit ni mama Rene.
FACT SHEET – Reggee Bonoan