Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga babaing parte ng buhay ni John Estrada magsasama sa isang teleserye sa ABS-CBN

 

DATI-RATI ay umuusok talaga ang tenga ni Janice de Belen, sa galit tuwing tinatanong ang aktres tungkol kay Priscilla Meirelles, ang former beauty queen na pinakasalan ng da-ting mister na si John Estrada.

Matagal ring hindi naging maayos ang sitwasyon ng aktres at ni John dahil nagkaproblema sila noon pagdating sa financial support ng aktor sa kanilang mga anak pero naayos na raw ito kaya’t sabi ay napatawad na ni Janice ang ama ng kanyang mga anak.

Hindi nga raw kinakalimutan ni John ang bonding sa mga kids nila ni Janice at isa sa daugher ng aktor ang nagkuwento nito sa inyong columnist.

Sa ngayon, ay okey na rin daw ang gusot sa pagitan ni Janice at ni Priscilla at baka maging mag-friends pa ang dalawa dahil pumayag na si Janice na makasama sa teleseryeng “Be My Lady” sa Kapamilya network na pagbibidahan ng mag-sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Wala namang hindi nakukuha sa mabuting usapan saka pare-pareho nang matured sina Janice, John at Priscilla kaya dapat na talaga nilang kalimutan at ibaon sa limot ang mga iringan na ‘yan.

KASAL NI PAULO KAY MAJA SA “BRIDGES OF LOVE,” ‘DI NATULOY DAHIL SA AMANG SI EDU

Umabot sa patayan ang dapat na special na araw sa buhay ni Carlos Antonio (Paulo Avelino) at hindi natuloy ang kasal kay Mia (Maja Salvador) sa simbahan last Friday episode ng always trending na teleseryeng “Bridges of Love” na ngayong Lunes ay nasa huling tatlong linggo na.

Pinatay ni Lorenzo Antonio (Edu Manzano) si Muloy (Janus del Prado) ang kababata ng ampong si Carlos nang malaman niyang sasabihin na ni Muloy ang buong katotohanan kay Carlos at sa pamilya nito na hindi siya tunay na anak ni Lorenzo. Lahat ay nagulat at si Mia ay nag-iiyak habang iniwan ni Carlos sa simbahan dahil aalamin niya ang nangyari sa kanyang kaibigan.

Habang si Nanay Marilen (Maureen Mauricio) naman ay lumuluha rin habang sinasabi sa buong pamilya lalo na sa anak na si Gael (Jericho Rosales) na si Carlos ang kapatid ni-yang si JR na matagal na panahong nawalay sa kanila.

Matatanggap pa kaya ni Gael si JR na minsan ay pinagtangkaan ang kanyang buhay? Naka-handa ba siyang iurong ang kaso laban sa ka-patid dahil magkadugo pa sila nito? At si Mia, ano na ang nag-aantay na kapalaran sa kanya at sa kanila ni Carlos?

Kakaiba ang Bridges of Love sa mga napanood nang soap, at may aral itong hated sa TV viewers lalo na sa mga nag-aagawan sa pag-ibig, pagtatraidor, ganoon na rin sa isang pamilya na ang pangarap ay mabuo sila.

Mapapanood pa rin gabi-gabi pagkatapos ng Pangako Sa‘Yo sa Primetime Bida ng Kapamilya network sa ilalim ng direksyon ni Richard Somes na produced ng Star Creatives.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …