Apat na OFWs inagrabyado ng immigration sa Mactan Int’l Airport (Attn: Ombudsman Visayas)
Jerry Yap
July 16, 2015
Bulabugin
Tila subjective na raw ang manner ng pag-isyu ng Show Cause Orders or Notice to Explain ngayon diyan sa Immigration.
Napakarami raw mga empleyado na may mabibigat na kaso ang hindi naman nabibigyan ng SCO at NTE lalo na kung kakampi ng mga hepe na sinasabing ‘tuta’ o nagpapagamit daw diyan kay Immigration Comm. Fred “gas padding” Mison.
Isa na rito ang kaso ni Immigration Officer-TCEU JEDDAH REUYAN sa Mactan International Airport na ini-offload ang apat na kaawa-awang OFWs na may POEA-OEC (POEA overseas exit clearance). Nag-file ng complaint sa Ombudsman ang apat na OFWs dahil ang maling assessment at profiling sa kanila ang dahilan para hindi makaalis ng bansa?!
Pinaghinalaan daw ni IO Reuyam ‘este Reuyan na pupunta sila sa Korea imbes sa Middle East dahil kinakitaan ng expired na E-6 visa ang isa sa mga pasahero.
Sonabagan!!!
May POEA-OEC na ini-offload pa dahil lang sa tamang-duda?!
Siraulo pala ‘yang hinayupak na ‘yan!?
Hindi ba niya naisip na pamilyadong tao ang mga pinerhuwisyo niya?
Mabibigyan ba niya ng trabaho ang mga taong iyan dahil lang sa kaepalan, katangahan at kagagahan niya?
Papaano ang mga anak ng mga OFW na ‘yan?
Paano kung tumigil sa pag-aaral ang mga ‘yan dahil lang sa gusto yata ng trying hard na si IO Re-uyat ‘este Reuyan na magmagaling sa mata ng benefactor niyang si Atty. “Baby Girl” Tara Tralala!?
Ngayong nasa Ombudsman na ang complaint ng mga naagrabyadong OFWs, wala man lang Show Cause Order na inilabas laban sa kanya galing sa BI main offcie.
Tama ba ang narinig ko, Immigration aiport operations division head Atty. Floro Balatong ‘este Balato!?
Ayaw nang dati mong amo na si Ex-Comm. Nonoy Libanan nang ganyan!
Unfair yata ‘yan sa mga type mo lang pabigyan ng Show Cause Order.
Balita rin na may isang Attorney ang umaareglo sa mga kaso ng mga IO na bume-betsa ri-yan sa MCIA.
Calling the attention of Ombudsman Visayas, pakibusisi nga pong mabuti ang kaso ng mga kaawa-awang OFWs na inagrabyado nitong si IO JEDDAH REUYAN ng Mactan Cebu International Airport!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com