Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman, muling pinuntahan si Mary Jane at ipinagdasal

 

KAPURI-PURI ang ginawang pagdalaw ni Manny Pacquiao sa kulungan ng kababayan nating nakakulong sa Indonesia, si Mary Jane Veloso.

Kasong drug trafficking ang dahilan kung bakit nakulong ang ating kababayan.

Matatandaang una nang nananawagan si Manny sa pangulo ng Indonesia na sana’y mabigyan si Maryjane ng executive clemency noong kasagsagan ng trainining niya para sa laban kay Floyd Mayweather at tila pinagbigyan si Manny dahil naipagpaliban ang pag-firing squad kay Maryjane.

Nabawasan nga lang ang mga sumisimpatya kay Maryjane nang magbubunganga ang nanay nito laban sa pamahalaan ni PNoy.

Muli na namang napag-uusapan ang tungkol sa pagbitay kay

Maryjane, again to the rescue uli si Manny. Dumalaw muli si Pacman sa kulungan ni Maryjane at ipinag-pray over ito kasama si Jinkee Pacquiao.

Bilang pasasalamat, binigyan ni Maryjane si Manny ng isang balabal na siya mismo ang may gawa, ‘di nga lang nabalita kung may ibinigay din

si Manny kay Maryjane. Bawal yatang bigyan sila ng pera.

Well, sana dinggin ng nasa Itaas ang prayers ni Manny para kay Maryjane at sana’y mailigtas na naman ni Manny ang buhay ni Maryjane sa pangalawang pagkakataon.

Pero may nasagap akong balita Manay Maricris na double purpose raw ang pagpunta ni Manny sa Indonesia. Bukod sa pray over, gagawa rin daw ito ng commercial doon, true ba ito?

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …