Monday , December 23 2024

IO na nambastos ng asawa ng OFW na-promote pa!

112814 sid dimandalMaraming nagtatanong kung ano raw ang ipinakain nitong si Immigration Officer (IO) Sydney Roy Dimaandal kay Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison dahil matapos i-recall sa BI main office sa ginawang pambabastos sa mag-asawang OFW na ini-offload n’ya, ngayon naman ay na-promote pa na BI-TCEU Supervisor sa Iloilo International Airport.

What the fact!?

Hindi ba sariwa pa sa memorya ng mga taga-BI na si IO Dimasandal ‘este Dimaandal ay idinemanda sa Ombudsman  ng mag-asawang OFW matapos sabihan ang asawang babae na, “Baka magpo-pokpok ka lang?!”

Ka-bastos mo naman, bata!

That is conduct unbecoming of a government official.

Galit na galit daw ang asawang lalaki ng sinabihang OFW kaya bago pa siya makapatay ay nagdemanda na lang kaya ini-recall pansamantala si IO Dimaandal at itinago muna sa BI-OCOM.

Baka akala siguro nitong si Comm. Fred ‘good guy’  Mison, nalimutan na ang alingasngas at pambabastos ng bata niya kaya walang kaabog-abog ay pumirma ng Personnel Order na nagde-designate ngayon kay Dimasandal, na maging TCEU supervisor sa Iloilo International Airport.

Nambastos na, na-promote pa!

Manhid at palpak na ba ngayon sa Immigration!?

Ito ba ang ipinamamalaking slogan ni Comm. Mison na “good guys in, bad guys out” sa bureau!?

Pwe!!!

Samantala ‘yung iba na wala namang kasalanan ginawa bigla na lang ipinatapon sa mga Border Crossing, without overtime pay pa!

Mas magaling nga siguro kung ganoon na lang ang gawin, mambastos na lang ng pasahero at baka sakaling ma-promote pa!

Tanungin nga natin si DOJ Sec. Madame Leila De Lima kung okay sa kanya ang ganitong sistema?

Okay ho ba sa inyo Ma’am De Lima, ang ganitong style?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *