Sunday , December 22 2024

Mikey Arroyo VIP treatment kay BI Comm. Siegfred Mison (Kahit walang ADO nakabiyahe!)

mison arroyoHANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa Bureau of Immigration (BI) kung paanong ‘nakalusot’  palabas ng bansa si dating representative Mikey Arroyo, anak ng nakahoyong ex-president na si Gloria Macapagal Arroyo, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayong hindi naman ito naisyuhan ng allow departure order (ADO).

Si Mikey Arroyo ay nahaharap sa kasong tax evasion at may hold departure order (HDO) ang court of tax appeal laban sa kanya.

Ibig sabihin, kung mayroon lamang mahigpit na pangangailangan papayagan si Mikey na makalabas ng bansa. At bago siya makalabas ng bansa, kailangan muna niyang mag-apply ng Travel Order mula sa korte at ADO mula sa BI-OCOM.

Nag-apply naman umano si Arroyo ng ADO sa BI-OCOM matapos makakuha ng travel order sa korte, pero kapos sa panahon.

Miyerkoles (Marso 25) pa lang daw ay napa-received na sa BI-OCOM ang request ni Mikee for ADO.

Pero dumating ang Huwebes at Biyernes (Marso 26-27) ay hindi pa napirmahan ang ADO dahil as usual every Thursday & Friday, cannot be located na umano si Mison noon.

(Naipagtanong-tanong na kaya ni PNoy kung bakit laging nawawala noon si Mison kapag Huwebes at Biyernes sa kanyang opisina?)

Back to Mikey, nabatid na pinayagan rin na makaalis si Mikey ng Immigration NAIA kasama ang kanyang asawa patungong Hong Kong noong Marso 29 na may connecting trips sa Italy, Germany at China, kahit walang ADO.

Ang inside info sa BI-NAIA, nag-CALL A FRIEND umano ang isang opisyal sa BI-OCOM para payagan makaalis si Mikey at TO-FOLLOW na lang ang ADO.

Sonabagan!

PRESTO, pinayagan na silang maka-GO!

Ang tanong: paano silang nakaalis ng Marso 29, ‘e ang ADO ni Mikey ay napirmahan lang ni Mison petsang Marso 31.

What the fact!?

Animal talaga ‘yang ‘CALL A FRIEND’ at ‘MYSTERY CALLER’ syndrome na ‘yan sa Bureau of Immigration!

Tsk tsk tsk… hindi kaya umabot sa Justice Department ‘yang SYNDROME na ‘yan?

Ultimo Malacañang o kahit si PNoy pa, kayang-kayang ipahamak ng ‘CALL A FRIEND’ at ‘MYSTERY CALLER’ syndrome na ‘yan!

Iimbestigahan mo ba ‘yang VIP treatment kay Mikee Arroyo, Madame SOJ Leila de Lima!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *